Di ako mahal or overthinker lng talaga ako?

Hi po mga mommies pa vent out po cause I really feel depressed lately ☹️Long post ahead, any comments will be appreciated kahit po nega pa. Gusto ko lng ng kausap and opinion sa ibang mommies. I have a 1 year old baby. Nagkakilala kami ng daddy nya sa online game last year 2020, he's 5 years younger than me. Things happened so fast and I got pregnant. Then, aug 2021 I had my baby. Nung nasa talking stage palang kami sabi nya wfh din daw sya and before kami nag meet up kaka resign nya lng daw which I found out later pa na di yun totoo at matagal na sya walang work before pa kami nagkakilala. Nung buntis palang ako, hirap talaga ako since wala sya work that time, ako naman wfh at maliit lng din sahod. Akin lahat, ultrasound, checkup, vitamins and all. Di ko rin sinabi sa mama ko at mga kapatid ko na buntis ako until 6 months na yung tiyan ko, so wala talagang tulong galing sa iba. Wala din silang chance malaman kasi nasa abroad yung mama ko at yung isang kapatid ko stay in sa work nya and yung isa ko pang kapatid hindi kami close at palagi lng syang nasa kwarto. 8 months na yung tiyan ko saka palang sya nakapasok sa work. Right now, sya nlg nagwwork kasi nagpa onsite na yung work ko at walang mag aalaga kay baby kung mag onsite ako. Anyway, yung concern ko lng talaga is yung maliliit na bagay, like yung ginagawa ng asawa or kahit jowa nga lang eh tulad nung pagdadala ng pasalubong kasi sa araw araw syang nagbbyahe kasi onsite work nya. Di ko naman hinihiling na araw araw nya gawin yun, kahit minsan lng sana ok na yun. Dadala man syang pasalubong pero kelangan sabihin ko sa kanya in short "nagpapabili ako". Yung pag post sa social media ng picture namin dalawa wala din. Di man lng sya na eexcite pag maghahain ako ng luto ko, wala man lng compliment. Walang appreciation sa lahat ng ginagawa ko, kahit "thank you sa pagluto, thank you sa pagaalaga ng anak natin, thank you sa paglilinis ng bahay" wala man lng ganun. First christmas at new year namin as a family hindi sya nag leave sa work kahit may choice naman syang i leave yung mga araw na yun, that time sobrang tampo ko talaga, sinagot nya pa ako "bakit kasi hindi mo sinabi gusto mo pala magleave ako" di ba matik na yun na dapat kasama mo pamilya sa mga araw na yun? 🙁 At pag nagaaway kami di man lang nanunuyo at madami pa, basta yung mga maliliit na bagay at simpleng gestures lng as a partner, wala talaga. Nabbring up ko yung mga concerns ko minsan sa kanya pag nagaaway kami, sasabihin nya gagawin nya na, gagawin nya nga isa, dalawang beses tapos wala na. Minsan naiisip ko parang katulong nalang ako at taga alaga ng anak namin. Hays thinking back sa mga pinagdaanan ko nadagdag pa to. Sana nga nag ooverthink lng ako. Kung umabot ka hanggang dito sa pagbabasa thank you po, much better comment ka nlg din 🥲 #firstimemom

1 Replies

As a solo parent, napakahirap niyan Mi. Kaya dapat mas naappreciate ka niya talaga. Hndi kaya kulang kayo sa communication? Sabi mo nga po, 2020 nagkakilala kayo then 2021 nagka baby na kayo. Baka kulang pa sa foundation? Di ko lang sure kung di sya showing na tao...pero totoo nakakatampo na kahit minsan man lang wala syang maipasalubong sainyo ni baby. Siguro start kayo ulit sa talking stage, kamustahin mo siya everyday, kapag stress siya, massage mo siya then kwentuhan lang. Try mo lang Mi. Kung di mag work, plan B ka. Kung di mag work yung plan A-Z mo, time to decide na. At least, ni-try mong gawin best and part mo as partner.

Thank you sa advice mi, iniisip ko nlg minsan siguro dahil bata pa sya at mas matured ako sa kanya. Maybe ganun nga siguro dahil ang bilis lng namin kahit di pa kmi masyado magkakilala ang dali lng nmin nagkapamilya at tama ka, kulang nga sa communication parang lahat passive lang. Anyway thank you sa idea, i will try these.

Trending na Tanong