Breech position

Hi po mga mommies kinakabahan po kasi ako ang sabi po kasi sa result ng ultrasound ko suhi daw si baby 22 weeks and 4 days na po sya.. Magbabago pa po ba ang position ni baby..?

42 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

sakin ikot ikot lang sya wala talgang mabisa gawin kundi hintayin sabe ng ob ko ganun daw talga sila...25weeks-29weeks breech 30 weeks-33weeks cephalic, ngaun 34weeks hndi sya mapakali haha...nag transverse,breech and cephalic in one day lang...nung inultrasound ako 9am morning transverse, minuto lang hndi pa tapos iultrasound nag breech, after 2hrs nung makuha ang result kinapa ako at i.e cephalic na...nakakaloka hahah...ganun daw talga since mataas pa ang tyan pero sana daw by 36weeks naka pwesto na sya...pero may case kahit yung araw mismo manganganak umiikot pa.. ang magagawa lang natin is maging prepared kung ano man mapili nyang position sa araw na manganganak na tayo...imbes isipin paano sila iikot...iprepare nlng natin mind and body and pera if ever man normal or cs

Magbasa pa

iikot pa yan ,kausapin mo lng ganyan din ako dati dalawang beses ako nag pa ultrasound 4 months and 7 months both breech po ang results kinabahan ako dahil bka ma cs ako. nag pahilot ako nung 8 months na at araw² kinakausap c bb sa tyan at dasal , nung malapit nko manganak abot langit Yung saya ko cephalic na xa 😊

Magbasa pa

sakin den breech nag pa ultrasound ako nung 26 weeks yung tommy ko now pinapaulit ultrasound ko 32 weeks na tommy ko ngayon sana lang mag bago na position ni baby sbi nmn nang ob ko iikot pa nmn daw ipag pray ko lang.. hwg ka mabahala basta ihanda mo lang sarili mo para kay baby

ako nga sis 20 weeks pregnant ung baby ko nakaposisyon na para gusto na lumabas kaya konti lakad ko lang nag spotting ako kasi natatagtag raw ako sbi ob ko, sana magbago ng posisyon kasi natakot ako manganak ng wala sa panahon , baka mapano si baby ko

VIP Member

iikot pa yan sis. ako 6 months siya breech padin pero ngayon 8 monhs na cephalic na siya. patugtugan mo lagi sa baba ng pusod mo itapat. yan ginagawa ko noon e. tapos pailawan mo flash light don din

yes iikot pa yan. try swimming as exercise to help your baby turn around. I'm now 20wks and transverse lie si baby, just like my 1st born but umikot sya when I was on my 30+weeks

iikot pa yan..nagpa-ultrasound ako nung 23 weeks breech din xa pero nung prenatal ko last monday chineck ang heart beat ni baby nasa baba na nakapwesto na xa..😊😊

iikot pa po yan.. breech position din po nun c baby til 9 months peo kakalakad q nun 2weeks b4 i gave birth pumwesto n po xa kya nanormal q po xa naideliver😊

yes po mom same here nung 23 weeks ako nagpaultrasound suhi din si baby , pero ngayon 26 weeks na ako feel ko nag iba na position niya ..lagi lng kausapin

Maaga pa ang 22weeks. Gnyan din sken b4.pro now, im 29weeks preggy.. Umikot nman na xa. Magsounds ka every night. Lagay m sa bandang puson m 👌