palabas lang ako ng sakit sa dibdib
Hi po, im 23weeks preggy po pala.gusto ko lang po palabas ng sakit sa dibdib kasi wala akong mapagsabihan. Ang sakit na bigla mo lang malalaman sa iba na pag nanganak nako ang ipakilalang magulang daw ay yung mama at papa ko tas tita lang daw ako. Pati pangalan sila magbibigay. Ang sakit naman pag ganun. Alam ko bata pako , im 20yrs old. Nag kamali ako,nabuntis at lahat2, 1st yr college palang natapos ko pero di naman pwede na ganun diba. Walang ama baby ko (longstory) . Alam ko nagkamali ako, pero papanagutan ko naman baby ko. Oo alam ko di pa ako gagasto sa pag papalaki ng baby ko sa pag labas nya pero babalik namn ako sa pag aaral pra makatapos ako. Plano konaman din po na mag sasave ng allowance ko pra kahit konti may maibigay ako. Nasaktan lang ako, nag uusap sila ng sila2 lang. ??