18 Replies

Pag cnlick mo yung search sa Fb messenger, may People dun. Dun mo makikita kung sino yung mga palagi nakausap niya kahit deleted ang messages. Di yun accurate (kasi minsan bumabalik mga names nung mga nakachat dati) pero kung may new name dun, especially kung girl tapos di mo pa kilala, investigate from there. Doon mo mapapatunayan ang gut feel mo. Meron pang isang way sa messenger pero di ko maexplain haha. Sorry, been there kasi. Through FB messenger ko nahuli yung jowa ko kahit nagdelete siya. Bwiset yun 😅

Ayoko pong maparaning at mastress lalo ang mga preggy mommies here ah. Just want to help if you need to find proof sa mga instincts ninyo. Anyway, dun po sa way na sinabi ko kanina, lalabas po yung name ng palagi niyang ka-chat kahit deleted ang convo. This is not accurate, pero this will help you trim down people na nakakausap niya palagi. As I said, you need to investigate pa po. Other way is pag-inopen mo si FB messenger sa mobile, may nakalagay CHATS and PEOPLE sa baba. Click mo si PEOPLE, then didirect ka sa list ng Active and Stories. Click mo po yung icon na may + at tao sa upper right. Lalabas po yung mga newly added friends niya sa messenger. Lalabas din po dun yung 'Just contacted' niya na new person kahit di niya friend mismo sa FB. Ayun po, dyan ko kasi nahuli si jowa. Nagulat ako na may minessage siya na di niya FB friend at di namin kilala. So nacurious ako at sinearch si Ate Girl, ayun nahuli ko ang mga photos nila 😅 kaloka diba? Ayun po, sana makatulong sa inyo mga

Alam mo yng mahirap sis alam mona kaso nagpapakatanga pa tayo, mahirap sa part natin ang maloko pero pag sila ang naloko galit na galit pero ag tayo niloloko balewala, ako hahayaan ko siya hanggang matapos ang ecq di ako magparamdam ng mangulila baka medyo bord ba humahanap ng mas malapit saknya isa pa baka nagsasawa na you know nagsasawa sa daiky routine niyo. Minsan uso magpa miss sa taong ganyan at dun mo malalaman kung worth paba.

Ive been there before.

Sis 2months pregnant ako hinuli ko tatay ni lo ko, umamin sya . Ngayon 7 months nako and wala na talaga pag asa mag kabalikan. Callcenter agent din sya and naniniwala talaga ako na pag sa bpo industry nag ttrabaho madaming nasisirang pamilya dahil sa agawan asawa at jowa. Cheer up sis kaya mo yan. Ganyan dn ako sa umpisa kinaya ko naman

Always believe your gut and your instincts. Tayong mga babae, kapag naghinala, high chance na totoo. I know hindi ka mapakali at this point. Mahirap dahil mabigat yan sa feeling but you have to clear your mind. Use this lockdown to concentrate on staying physically, mentally, and emotionally healthy para sainyo ni baby

Proven & tested na ang Girls instinct . Pero kung buntis ka lalo nat 2mos palang wag mo muna intindihin yan kse masstress ka lang at pwede maapektuhan yung baby nyo sis . Isipin mo yung nasa sinapupunan mo kse kung anong nararamdaman mo , mararamdaman nya rin

if nag change sya ng password dapt sinabihan ka nya at dpt wala sya binura. Dpt po mahuli nuo sya or meron ibidensya na nagchecheat sya sainyo. Pero be prepared po ksi hnd gawain ng matinong lalaki yan eh. Try not to feel stress kasi si baby ang maapektuhan

Tintanong nya ako kung bkt ako nagagalit wla naman daw sya ginagawa masama. Hirap lang pp kasi wla ako ebidensya.

TapFluencer

Trust your instincts po and also kausapin siguro ang asawa ng maayos pero if ayaw talaga then problema po yon so the decision will be up to you if kaya niyo po na tiisin yong ganun na set up. Praying for you po na maayos din.🙏🏻

Malamang sa malamang meron yang sabit. Ganyan din gawain ko non, linis kaagad kapag ichecheck history at messages. 100% sure meron yan lalo na nagawa na nya dati. Wag ka magpaloko. Hanggat di nya gugustuhin magbago, uulit lang yan.

For me, considered cheating ang pag delete ng messages . Talk to him sabihin mo lahat ng iniisip mo pero wag ka makipag away. Usap lang, baka makatulong.

Sis nasigawan ko nga sya eh. Sabi ko sana mamatay nlang sya. Sabi nya hnd nya maintndhihan bkt ako nagagalit wla naman dw sya gngwa masama. Sabihin ko daw ano dahilan at galit na galit ako. Wla naman ako proof pa.

Ganyan din po sakin pero sabi sakin ni mama wag daw ako mag isip ng mag isip hayaan kodaw kesa nmn daw baby ko ang mapahamak

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles