May anak ang boyfriend ko

Hello po. Gusto ko po sana humingi ng payo. May anak po kasi ang boyfriend ko. Ang problema ko po kasi ay yung bata mas nag sstay sa side ng boyfriend ko. May nanay pa po yung bata. Yung nanay po nya is may bago na pong anak at ka live in. Ang nangyayari po kasi, yung pamilya ng boyfriend ko ang nag aalaga sa bata. Pati sustento, sila. Kahit yung baon na lang nung bata pagpasok ng school hindi po nagbibigay yung babae. Hindi ko rin po tanggap yung bata dahil hindi maganda ang ugali nya. Mapanakit po yung bata. Lalo na pag andun ako sa bahay ng boyfriend ko. Babatuhin ako minsan o kaya pa simpleng aapakan yung paa ko. 5 years old po yung bata. Sinasabi ko naman po sa boyfriend ko yung ginagawa nya sakin. Pagsasabihan naman nya pero maya maya, uulitin na naman. Ano po ang pwede kong gawin ko? Hiwalayan ko na din po ba ang boyfriend ko dahil hindi ko tanggap ang anak nya sa ibang babae? Wala pa po kaming anak. Pero we're planning to get married soon. Sana po matulungan nyo ako. Thank you po.

14 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

I don't think matatanggap mo yung kid nung bf mo ng buong buo sa ngayon. Mejo concerned ako kasi pag nagkaron na kayo ng baby na sarili ng bf mo baka mas lalo kayo magkaron ng gap. Sa tingin ko magiging constant issue yung bata para sainyo. Ngayon palang kausapin mo na yung bf mo regarding dun sa pagdidiscipline sa bata. BUT you can always try to use positive reinforcements. Dala ka ng candy or choco everytime na nandon ka like pag tinawag mo yung kid and lumapit give him a pat on the head and some choco. Pag sinuntok ka or inapakan ka try to hug him bigla and hagurin mk yung likod. Igala mo yung bata and make real efforts talaga like go to zoo, mall or amusement parks. Sa tingin ko kasi kulang siya sa aruga ng nanay kaya at a young age nagrerebelde na especially nakikita nya nakukuha mo attention ng daddy niya from him. Iconvert mo sa awa and pity para sa bata yung inis na nafefeel mo. Try mo lang mageffort ng bongga and treat him as your own son, wala naman mawawala and baka magwork di ba. Pag di pa din talaga then maybe time to leave nalang. Pray for more patience. If mahal mo kasi si bf makakaya mong tanggapin yang anak niya. Be strong and lakihan mo pa yung heart mo πŸ’ͺπŸ™

Magbasa pa