Ayoko po nito

Hello po. Gusto ko lang mang hingi ng advice. Kasi po graduating palang ako 20 yrs old. Unwanted pregnancy po ang nangyari. 9 weeks preggy na po ako ngayon. Hindi ko na po alam ang gagawin ko kasi sobrang strict ng parents ko. Yung nakabuntis po sa akin ay may family na. May baby na din po sila. Wala po sanang problema kung wala at kaya po sabihin sa parents kaso po paano ako matatanggap ng family ko. Lahat po nandito sa amin naka tira. Sobrang stress na po ako. Help po. Ayoko pa po neto. Sobrang hindi pa po ako ready. Mag pupulis pa po sana ako at sobrang bata ko pa po. Uminom po ako kahapon ng 9 na aspirin yung kulay yellow may effect po kaya yon sa baby??

839 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hi ate, ganitong aspirin po ba na yellow tablet? Pampakapit po ito πŸ˜… alam mo inday, pamilyado pala ang tinira mo bago ngayon iiyak iyak ka na nabuntis ka. Ang plano mo pa eh ilaglag ang bata gamit ng pag-ooverdose. Matakot ka ha. Magdasal ka. Wag mo idamay sa kamalian mo ang magiging anak mo. Bata ka pa. Hindi pa huli ang lahat. Maraming batang ina, ginawang inspirasyon ang anak nila para makapagtapos. Ganun ka din. Ang pamilya mo, oo magagalit sayo pero pamilya ka. Mamahalin at mamahalin ka pa rin nila at yang anak mo. Tell your parents habang maaga pa. Wag mo hintaying mahalata pa nila, lalo silang magsasama ng loob sayo.

Magbasa pa
Post reply image
VIP Member

Dear,much better if you tell your situation sa parents mo. Sa una magagalit sila,dahil sa totoo lang hindi katanggap tanggap yung ginawa mo. Pero wag mo idadamay ang bata. Anak mo yan. Wala yan alam. Hindi niya ginusto ang nangyari. Be thankful nalang na binigyan ka ni Lord ng baby. Blessing yan. Wag mo ipa abort. Maraming mga babae ang frustrated at gusto magka baby tas ikaw ipapalaglag mo lang dahil unwanted pregnancy kamo. Tanggapin mo sa sarili mo ang nangyari. Im sure matatanggap rin ng pamilya mo ang nangyari sayo. Nanjan na yan. Wag mo idamay baby mo. Goodluck sayo. Wag masyado stressin ang sarili. Nakakasama sa bata

Magbasa pa

Hi po momsh. Criminology po ako 21 years old mag pupulis din po ako. 34 weeks and 5 days preggy na po ako ngayon nung nalaman ko pong buntis ako natakot din po akong sabihin sa parents ko pero nag lakas po ako ng loob na sabihin yun sa kanila lahat ng galit at bugbog tinanggap ko galing sa mama ko pero never kong naisip na ipalaglag yung baby ko. blessing to eto yung pinakamagandang gift sakin ni God. sa una lang ang galit momsh pero sa huli matatanggap at matatanggap ka nila walang magulang na kayang itakwil ang anak. lahat ng bagay may paraan. explain mo sa parents mo lahat then hingi ka sorry. pray ka lang at mag tiwala ka kay God pag subok lang yan lakasan mo loob mo. 😊

Magbasa pa

ayaw kta husgahan dhl msama dn maghusga..anjan n po yan. nagkamali kna s una pro sna nmn ds time wag mo na dagdagan mga mali mo s buhay. ipagtapat mo nlng s family mo. wag na wag mo idadamay baby mo. kc mas mhrp pg yan gnanyn mo at d nmn mwla mas malaki ang problema n khhrpin mo. mahalin mo yang mggng ank mo. pls lng. tama na ang 1 2 n mali wag mo n damihn p. kc balang arw pag ikaw pinarusahan ng maykapal nku..bumangon k pra s anak mo. wag mo xa ayawn dhl blng arw xa dn magmmhl sau. wag kna ggwa ng mali. kya mo yan. magcmba k humingi k ng twad s knya at bgyn k ng klakasn. sabhn mo s omlya mo tutulungn kdn nla. wlang mgulang matitiis ang ank..

Magbasa pa
6y ago

Salamat 😭😭

ate maling mali po na patayin yong bata,ako nga po 16 years old aq nabuntis opo nagalit saakin ang mga magulang ko pero nong nakita na nila yong baby ko tuwang tuwa sila,first apo kasi nila,pero ng nanganak nko pg5months plng ni baby tinuloy kpa din pgaaral ko hanggang sa makagraduate po ako ng college khit ksma ko lagi anak ko sa school,mahirap mommy pero dpat po kayanin mo para sa kay baby,nagkamali kmn pero nasa sayo padin yan kong ipgpapatuloy mpa na simulan mo,magiging inspirasyon mo si baby pgnkita msya wag mo sana sayang si baby alagaan mnlng sya,ang galit ng magulang nawawala yan,pero yong pagpatay ng buhay habang buhay mo dadalhin yan ng konsensya mo.

Magbasa pa
VIP Member

Sorry sa nangyari sis. Sabihin mo sa parents mo. Kahit strict sila, anak ka parin naman nila. Yes magagalit sila pero matatanggap din nila yan. Pero alagaan mo ang baby mo ha kasi blessing yan. Marami ang gusto magka anak. Yung iba hindi pinapalad kaya napaka swerte mo. 😊 Okay lang na bata ka pa, anjan na e. Tanggapin mo nalang ang baby at mahalin mo. Hayaan mo na yung lalaki. Di mo siya kailangan. Ang importante ngayon, ikaw at si baby. ❀️ Wag mo masyado stress-in sarili mo ha? kasi delikado pa lalo na at maliit pa ang baby sa tyan mo. GodBlesss you mommy. 😊

Magbasa pa

Panindigan mo sabihin mo na sa parents mo wala na silang magagawa lalo lang sila magagalit kapag nalaman nila na ininuman mo na ng gamot si baby wala naman kasalanan yung baby sa sinapupunan mo anjan na yan matatangap din yan ng parents mo ako 17 ako nung nag buntis sa unang baby ko sa una hindi matangap ng pamilya ko pero sa katagalan sila pa ang nag aalala kung nag pa check up naba ako, ngayon graduating student na din ako and 23 weeks pregnant sa pangalawa ko . Sana lang maba mo to sana isipin mo yung yung buhay na mawawala na hindi man lang nya naramdaman na mahal sya ng nanay nya. Panindigan mo pacheck up kana agad

Magbasa pa

Ang masasabi ko lang, lakasan mo loob mo na sabihin sa family mo pra maka kuha ka ng support system.. Manalangin ka rin, humingi ka ng tawad kay Lord.. At huwag mo ng dagdagan ang isa pang ksalanan ng another ksalanan ituloy mo pg bubuntis mo blessing yan. Kpg pinalaglag mo yan, kamumuhian ka ng Diyos.. Andyan na yan, ngawa mo n, dapat una palang hndi kna pmyag kung may family n pla ung lalaki.. kayanin mo para sa anak mo.. Kht may baby ka mggwa mo prn nmn mkpg aral pero ng ksama sya. Sbhn mo n sa family mo. Sbhn mo una sa pnka close mo sa family and mag pa tulong ka pra sbhn. God bless

Magbasa pa

Jusko 🀦🏻 hindi ako magmamalinis kase ako nabuntis din at the age of 24, di kasal pero nakikipag sex sa bf. Pero yung nagaaral pa tapos yung jowa mo may pamilya. Neng anong utak meron ka? Sorry ha pero dapat sayo nirerealtalk eh. Pwede makipag sex kung gusto mo walang nakakapigil nun pero sana nagisip isip ka may condom naman, may pills o kung ano man pwedeng gamitin para di ka mabuntis. Maryosep naman. Tapos ngayon sasabihin mo ayaw mo? Mygod. Mas maganda sabihin mo na yan sa pamilya mo. Matatanggap at matatanggap ka nila kahit anong mali pa ang nagawa mo kesa naman gawan mo ng masama yang bata.

Magbasa pa

Sis wag po ganyan... alam mu ba kung gaano kalaking kasalanan ang mag pa laglag ng bata? Alamu naman cguro noh... ndi naman sa hinuhusgahan kta haa ... pero tanggapin mu nalang yan sis. Ung ibang babae nga hinahangad mag ka anak pero ndi pinalad.. tas ikaw iinoman mu lang ng aspirin😭 be thankful sis kc mag kaka baby kana! At jan mu ma rerealized kung gaano ng herap ang mga nanay naten saten pra mabuhay lang! Jan naten masususklian lahat ng pagod at sakripisyo nla saten kc mapag dadaanan na naten ung pinag daanan nla nung ikaw ay pinag bubuntis pa. Bleassing po c baby... sana sis wag mu hayaan na mawala sau anak mu

Magbasa pa