Ayoko po nito

Hello po. Gusto ko lang mang hingi ng advice. Kasi po graduating palang ako 20 yrs old. Unwanted pregnancy po ang nangyari. 9 weeks preggy na po ako ngayon. Hindi ko na po alam ang gagawin ko kasi sobrang strict ng parents ko. Yung nakabuntis po sa akin ay may family na. May baby na din po sila. Wala po sanang problema kung wala at kaya po sabihin sa parents kaso po paano ako matatanggap ng family ko. Lahat po nandito sa amin naka tira. Sobrang stress na po ako. Help po. Ayoko pa po neto. Sobrang hindi pa po ako ready. Mag pupulis pa po sana ako at sobrang bata ko pa po. Uminom po ako kahapon ng 9 na aspirin yung kulay yellow may effect po kaya yon sa baby??

839 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Nakakaloka ganito. Ate anong silbi ng pag aaral kung hindi gagamit ng utak? Unwanted kasi graduating ka? Ano pa? Kasi may pamilya na nakabuntis sayo? Te, wag mo idamay yung bata kasi ikaw ang may kasalanan sa bata, tapos yung bata isasakripisyo dahil lang sa baka hindi makapag tapos ng pag aaral? Strict pala parents mo eh, bakit nakipag sex ka? Na for sure naman na alam mo maari maging resulta! Jusko naman! At isa pa nakakatawa, nag aral ka pero mukhang wala kang natutunan, sayang pagpapa aral sayo ng nanay at tatay mo. Kasalanan mo ng nakipagsex ka sa pamilyadong tao na, balak mo pa pumatay. Hoy konsensya naman tayo diyan. Konting kilabot naman.

Magbasa pa

Unwanted pregnancy pero ginusto mo makipag-sex? 20 yrs old kana. Siguro naman napag-aralan nyo sa school na kapag nag-sex without using contraceptives malamang sa malamang possible mabuntis ka. Sana inisip mo muna yung mga possible na pwedeng mangyari bago ka nakipag-sex sa pamilyadong tao. Ginusto mo yan. Hindi kasalanan ng baby mo yang kagagawan mo. Tapos ngayon sasabihin mo UNWANTED PREGNANCY?? Sorry ah, pero kung ayaw mong magsisi sa huli, wag na wag kang gagawa ng bagay na pagsisisihan mo. Malaki balik nyan sayo kapag pinalaglag mo yun bata. Kung ayaw mo talaga sa bata ipaampon mo nalang sya kapag nanganak kana, para naman hindi rin kawawa yung bata.

Magbasa pa
VIP Member

Sabihin mo na agad sa parents mo. Magalit man sila pero mawawala rin yun. Matatanggap rin nila. Sila parin ang makakatulong sayo dahil anak ka nila. Saka 20 years old hindi na bata yan. Nasa right age ka naman kaya wag ka matakot. Marami nabubuntis wala sa right age at strict din ang parents pero naging ok naman. Kung gusto mo magpulis pede pa naman mangyari yun. Hindi naman hadlang si Baby mo para hindi matupad yun. Kailangan mo lang maging patient. Lagi ka rin magpray. Maging grateful ka sa magandang blessing na yan sayo, alagaan mo. Noblest duty ang pagiging ina kahit anong circumstances pa. Ingat kayo ni Baby. God will bless you! ❤️

Magbasa pa
VIP Member

Never say na unwanted pregnancy yan maam kasi in the first place, you allow yourself na gawin yun with a guy.. So kapag hindi nagbunga yun, itutuloy mo lang? Remember, may buhay na po sa tyan mo maam.. Totoo naman po na mahirap talaga na tanggapin yan ng parents and family mo yan knowing na may family pa yung guy, but thats the consequence of your action. Wag mo maam idamay si baby.. Baby is a blessing,, ALWAYS.. Marami akong kilala, hindi nagkakababy, they wanted so bad pero hindi magkaron pa, but they were eager to pray and hope that God will give them. Kaya maam, baby was given to you with a purpose. please, let your baby live. Mahirap magsisi sa huli.

Magbasa pa

Magpupulis ka pa, kaya ayaw mong ituloy yan? Kasalanan na yang ginawa mo. Nako iha, ginusto mo yan. Nagpakasarap ka, kasalanan na ngang nakipagsex ka sa lalaking pamilyado na taz ngayong nakabuo kayo gusto mong ipalaglag ang batang walang kasalanan? Sa gngawa mong pagpalaglag sa tingin mo my magandang future ka? Wala kang konsensya jusko. Nakikabit ka na nga, dadagdagan mo pa kasalanan mo na patayin ang bata? Ginusto mo yan, nagpakasarap ka tanggpin mo lahat ang pwedeng mangyari basta wag na wag mong ipapalaglag ang bata. Snabi mo pang gusto mo pang magpulis, juskoday ka talaga ngayon pa lang isa ka ng kriminal kaya d mo bagay maging isang pulis !

Magbasa pa

20 years old din ako etong nabuntis ako. Mag 16 weeks na ngayon. Super depressed din ako nun pero napag desisyunan namin ng partner ko na ituloy kasi ginawa namin yun e. Never namin or never ko naisip na inuman ng kahit ano kasi inisip ko yung baby. Lalo lang kami magkakaproblem in the long run kapag ininuman ko ng gamot or kung ano. Mas inisip ko sya and hinarap ko yung takot ko na sabihin sa parents ko kahit SUPER HIRAP. Pero natanggap din nila kaagad kasi wala namang magulang na makakatiis sa anak. Una palang dapat hindi na ginawa, pero dahil anjan na yan kelangan mo pong panindigan. Nakaya ng iba, kaya mo rin yan. Marerealize mo rin na blessing si baby. God bless! ☺️

Magbasa pa

Yung totoo nagagalit ako sayo paano mo nasasabi ang mga salita na yan?Sana bago ka bumukaka nag pills ka o nag condom kayo kung hindi nyo talaga maiwasan normal nman yan kaso alam mo na may pamilya pala lalaki pinili mo pa rin ganyan sitwasyun.Tapos yun baby ang mag suffer papalaglag mo? Bata ka pa pwede mo pa matupad mga pangarap mo kasabay ng anghel na ibinigay sa iyo ng Diyos😢 Mahirap,oo pero kapag ginusto mo walang impossible...and for sure hindi papayag mga magulang mo sa gagawin mo,natural na magalit sila kalandian mo yan eh,iiyak mo at tanggapin mo lahat..Mapagpatawad ang pamilyang pinoy😊

Magbasa pa

Ang sarap sarap ng feeling nung ginagawa nyo ng paulit ulit ang magsex diba? Ni hindi mo na naisip o inisip kung anong magiging consequence ng ginawa nyo kasi nga masarap at "mahal mo naman kasi sya". Ngayong nandyan na yung bunga, gusto mo nalang biglang tumakas as you think it'sa big problem. Kung may chance kang makausap yung anak mo ngayon, anong gusto mong sabihin sa kanya? "Anak, pasensya kana hindi pa ako handa kaya papatayin kita ha!" Ganyan ba gusto mong marinig sayo ng anak mo? Magisip kang mabuti at sana kung ano maging decision mo ay sa ikabubuti ng lahat at hindi ka maging selfish sa anak mo. Yun lang! Goodluck sa buhay mo.

Magbasa pa

Alam ko naguguluhan ka at nahihirapan ka ngayon. Mahirap kasi ang situation mo. Pero ang mapapayo ko lang sayo, magpray ka. Pray everyday/anytime. Pagdasal mo kung ano ba dapat mo gawin at mga decisions na gagawin mo. Pagpray mo din ang parents mo na maintindihan ka nila. Please pray also for your baby na healthy sya despite sa mga ininom mong gamot. Your baby is a gift from God. Ready or not, it is meant to be na magbuntis ka. Everything happens for a reason. And hindi hadlang si baby sa dream mo na maging police. Pwede mo pa din tuparin ang pangarap mo. Baka sya pa ang maging reason para mas lalo kang mag strive hard matupad mo lang lahat yun. Pray and everything will fall into places❤️

Magbasa pa

Marami ka pa palang pangarap bakit ka nakipag relasyon at nakikipag sex agad? Tapos may anak pa. Sana nag isip ka muna bago ka nakipag relasyon sa kanya. Bata ka pa pala e. Sana inuna mo muna yung pag aaral mo. Tapos ngayon yang bata sa sinapupunan mo ang mag sasuffer. 😠😠😠😠 Wag mong gawin kung ano mang masamang iniisip mo sa anak mo. You better tell them about that. Matatanggap ka ng pamilya mo kasi pamilya mo sila. Sa umpisa mahirap talaga matanggap ang ganyang sitwasyon. Pero mag pray ka at tanggapin lahat ng masasakit na sasabihin sayo. Kasalanan sa Diyos kung ano man ang iniisip mong masama sa anak mo. Habang buhay dadalhin ng kunsenya mo kapag ginawa mo yan.

Magbasa pa