Vent Out

Hello po. Gusto ko lang i-share tong nararamdaman ko. Sobra kasi akong naiinis sa asawa ko kasi hindi siya nagtitira para sa sarili niya. Nagkwento siya na short na daw siya sa budget niya para sa work samantalang kagabi nagkwento siya na pinamili niya daw mga pamangkin niya ng mga pagkain sa 7/11. Hindi ko po alam yun. So ako sabi ko, bakit pa niya pinamili kung alam niyang masho-short na siya eh ang dami pa naman ng mga pamangkin niya na yun nasa 10. Masama loob ko ngayon kasi lagi na lang ganun, ayaw ko rin naman siyang nag-iisip kung paano siya makakakain, tsaka bihira lang kami magkita since weekends lang siya nasa bahay namin dahil sa manila pa siya nagwowork tapos pag wala siya, nandito ako sa bahay ng parents ko. Preggy po ako. Nabibigay niya naman yung needs ko kaso ayaw ko lang ng ganun yung nangyayari sa amin na wala na siyang pera eh 2 days na nga lang kami magkita. Hindi po mabarkada asawa ko at tapos na din siya sa phase ng kalokohan. Nangangamba po ako para sa anak ko eh baka kasi ganun pa rin sitwasyon kahit manganak na ako na may kahati kami. I have questions po: 1. Dapat po ba ako na yung humawak ng pera niya? Hanggat maaari po kasi ayaw ko siyang pakialaman sa kinikita niya eh kaso gusto ko lang din ma-secure yung anak ko in the future kasi ayaw kong pagdating sa amin eh wala na siyang pera. 2. Tama pa po ba ginagawa niya na siya pa nagpapakain at nagbibigay ng baon sa mga pamangkin niya? Samantalang buhay pa magulang ng mga yun, anak lang ng anak. 3. Kung kayo po nasa sitwasyon ko, anong gagawin niyo po? Nagiging madamot po ba ako sa side ng family niya? Pasensya na po mahaba tong post ko. Gusto ko lang ng opinyon at suggestion niyo. Thank you po.

33 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Haaaay. Same tayo sis yung kaibahan lang hindi nya pamangkin kapatid nya. To the point na kaya naman ng parents nya pero pag pinabili sya ng ganito ganyan kahit mahal bibilhin nya tas di naman babayaran. Sya bumibili ng gatas ng kapatid nya and minsan mga damit na din. Although di naman ako napapabayaan pero yung akin lang wala na din halos natitira para sa sarili nya.

Magbasa pa