41 weeks pregnant

Hello po first time ko po manganak and medjo worried na po ako kasi 41 weeks na ako tomorrow. Umiinom naman po ako ng prim rose, pineapple and nag lalakad naman po. This morning pag gising ko medjo masakit na yung tyan ko na parang natatae pero pag ganun kasi iniisip ko baka gutom lang ako or kailangan lang talaga mag cr pero wala naman lumabas. After nun natulog ako aroung 11am pag gising ko ganun parin po yung sakit pero kaya naman siguro 5 out of 10 ang pain. Nag lunch lang ako tapos inantok na naman po ako. Around 2pm nandun parin po yung sakit nag try ako mag cr pero wala parin. Nag lakad2x po ako almost 1 hour pag uwi po 3 out of 10 po yung sakit. After nun po di ko na mashado inisip at baka wala lang pero 41 weeks na kasi ako at gusto ko iwasan ang ma CS or ma induce. Any advise po? First time ko po kasi talaga at ang kasama ko lang po dito is father ko at younger sister which is wala din silang idea. If mag tatanong din ako sa mga kakilala ko ang sasabihin iba iba din kasi ang experience. Sana matulungan po ako.

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Labor will happen naturally mommy. Anong latest ultrasound scan mo? Ano po ang BPS score? As long as okay ang BPS at may enough amniotic fluid ka, you can wait until 42 weeks. 38 weeks to 42 weeks po ang waiting time talaga na mag labor. Some hindi umaabot sa 42 weeks because of low BPS score or pumutok na ang panubigan but as long as okay, you can wait. Ako po, with my 3 pregnancies, exactly 42 weeks ung panganay ko lumabas, and 41 weeks naman po ung dalawa kong sunod pa na anak. Lapit na yan. Lakad lakad pa. 😊

Magbasa pa