Hello po, ask lang ako ngayong gabi kasi para akong nilalagnat pero di naman ako mainit. Nanginginig ako at nilalamig. Kahapon po kasi nagpaturok ako sa health center namin, hindi ako nagpaturok sa ob ko kasi private at medyo namamahalan ako wala ng budget. Yung braso ko po sa kanan yung naturukan. Hindi po ako makakilos tyaka para po akong pilay di ko mabuhat yung kanang braso ko sa sobrang sakit at di ko din mastretch. Nahihirapan din ako mag lipat ng pwesto. Tapos pansin ko din si baby hindi po masyadong active yung movement sa loob. Normal po ba na ganun ang effect ng vaccine? Hanggang kailan po kaya ito?
#7thmonth