10 weeks pregnancy

Hello po, ako po yung nag post kagabi na dinurugo na po ako. Sadly kaninang 12:17am po ay kusa na pong bumitaw ang twins ko. Sobrang sakit ๐Ÿฅบ Nilibing na po namin sila ngayun at pinagpray. Mga mi tanong ko lang po if ok lang po na magtake nalang ako ng meds instead of raspa kasi sabi naman ng ob na lumabas naman daw lahat ng dugo ko. Magtake lang ako ng meds para lumabas yung iba then i ultrasound nalang ako. Thankyou po :(

10 weeks pregnancy
27 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Virtual hug po. I experienced miscarriage too walang heartbeat and stopped growing at 7w4d. Di ako naraspa. But then nagmedical treatment ako kasi wala akong bleeding or sakit ng tiyan noon. Nung nailabas ko, niresetahan po ako ng methergin tablet. 3 x day for 5 days. Pampalinis po ng matres. After ko inumin yung gamot for 5 days, huminto na yung pagdurugo and inultrasound na ako. And luckily, wala pong naiwan at nakitaan na ako ng mga bagong eggcell na magmamatured. Niresetahan nalang ako ng pills para maging regular ulit ang mentruation at di mabuntis agad. Kaya mo yan Momshie. Kalaban ang lungkot. Pero soon, malalagpasan mo din yan. Sobrang sakit. Pero darating ulit ang para sayo. I am now 7 weeks pregnant on my rainbow baby, and still praying na ito na ang para sakin at di na maulit yung nangyari last year. Magdasal ka lang po. ๐Ÿ™๐Ÿ™๐Ÿ™

Magbasa pa