3weeks old baby

Hello po 3weeks old baby nagkasinat po siya ng gabi at inuubo ubo , dinala ko siya pedia , neresetahan ng paracetamol ,ambroxol at antibiotic , naalalanganin ako pagtaken siya ng anti biotic daanin ko muna sa herbal med ?. Ano po sa palagay niyo ? Thank you po

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

kahit 3weeks old po, ok lang painumin ng antibiotics kung nireseta naman ito ng pedia ni baby. paracetamol drops nga napapainom ang newborn di ba esp after ng unang bakuna para iwas lagnat as per pedia's advice. yung antibiotic na nireseta ni pedia, nagaalangan kang ipainom, pero ang herbal medicine na di alam ni pedia na gusto mo ipagamit, di ka nagaalangan ipainom? ang sinat o low grade fever ay di po good indication para sa isang 3weeks old baby. meaning nyan possibleng may infection para sinatin ang baby at tinitry labanan ng katawan ni baby pero sadly kasi ang immune system ng newborn ay immature pa kaya need ng additional back up from medicine like antibiotic. pero nasa sainyo kung ayaw mo ipainom pero be responsible lang po sa kung ano ang pwedeng maging result ng decision ninyo since kayo po ang magulang. next time po, hanap kayo ng pedia nyo na talagang mapagkakatiwalaan mo po para di po kayo nagdodoubt sa mga ioorder nya sa baby mo.

Magbasa pa

mommy Sundin niyo po si Pedia.. wala po masama sa Pag take ng antibiotics sa newborn baby at alam din ng Pedia Tamang dosage sa Antibiotic ayon sa weight ng baby mo.. magtiwala ka lang Sundin at kumpletuhin ang gamot... btw nagka sepsis ang baby ko wala pa 24 hrs ko pinanganak na confine agad sa NICU at kelangan makumpleto antibiotics 1week siya naconfine para sa gamot... ngayon 14mos old na baby ko at napaka healthy bibo na toddler.. kung hindi po naagapan ng antibiotics ang baby ko maari po mapahamak kaya thankful ako kasi nagtiwala ako sa Pedia at nagdasal. wag po tayo mag self medicate newborn yan anak mo dapat po maagapan sakit niya kasi very sensitive pa yan... nasasayo choice yan mommy kung mag herbal ka at lumala sakit ni baby sarili mo masisisi mo Nyan.. naadvise ka na ng Tamang gamot mag herbal ka pa?

Magbasa pa

Yung inaanak ko nga pgkalabas palang niya galing sinapupunan ng kumare ko naka antibiotic na agad kasi may infection (inubo yung kumare ko sa kabuwanan niya, kaya nung lumabas si baby may sepsis/infection sa dugo. Sa tingin mo makakaya yun ng herbal2 lang, baka lumala pa) Herbal is okay pero hindi po ito advisable sa baby. Doctors follow safe limit nman po, may standard po silang sinusunod. Follow your heart at your own risk.

Magbasa pa
Post reply image

ramdam kita. always din ako sinasabihan na sundin ung mga antibiotic na bigay ng doctor para sa baby ko. hangang nasira ung liver nya sa buwan buwan nyang inaantibiotic. in the end sarili ko lng sinisi ko dahil d ko sinunod ung gut feel ko. my advise is to have 1 pedia throughout his toddler days.

2y ago

immunocompromised po due to heart condition. the point is paiba iba kami ng pedia paiba iba ng suggestion and marami nakikisawsaw na kesho doctor knows daw ganyan. yes they know it but mi ung gut feel na kung di namna need bakit mo gagawen

Bakit mo dinala sa pedia kung ikaw din naman mag dedecide kung ano ipapainom mo sa baby mo? 😑 Saka hindi naman magbibigay yung pedia ng harmful sa bata. Ikaw kung gusto mo iherbal nasa sayo yan. Wag mo nalang dalhin sa susunod sa pedia kung wala ka naman tiwala sa pedia mo.

Super Mum

i think hindi naman po magreseta ang doctor if hindi nya nakita ang need for the medicine/s. if in doubt with the 1st doctor try getting a second opinion. maganda din to have a doctor na you trust and have confidence. hope your baby feel better soon. 💙♥️🙏

painumin ng dahon ng ampalaya na may gatas mo momsh initin mo sa sinaing para sa ubo nya

nag antibiotics din bby ko at 3 weeks nya ok nmn sa kanya