36 weeks pregnant at niresetahan po ng Primrose oil, 8 capsules a day. Okay lang po ba yun?

Hi po. 36 weeks pregnant na po ako at niresetahan po ako ng OB ko ng Primrose oil, i-take ko daw po ng 8 capsules a day, ipapasok daw po sa pwerta ko. Normal lang po ba yung ganung kadami? Medyo nag-aalangan din po kasi ako kasi medyo pricey po yung Primrose oil, medyo di ko po afford kasi may other medicines din po ako. Okay lang po ba na wag ko po muna i-take yun? Ano po ang mga pwedeng alternatives na gawin? Salamat po sa sasagot.

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

okay Lang Naman mi as long as prescribed by your physicians, ung iba Nga po 9caps a day eh 😅 Isang inumin, 2 insert sa pwerta 3x a day. Baka kase Kaya 8caps a day Ka mi, Baka malaki si baby sa loob mo. Kung mature Naman na si baby sa loob okay Lang Naman. kesa magself medication po Tayo sunod nalang Ka Ob, hind Ka Naman bbgyan nun if not applicable pa. - pero aq kase noon auko pa ilabas baby q kase I have work pa 😅 hind sa Hindi Kaya ng budget pero, auko pang ilabas si baby at 37weeks. ( unang take sakin 3insert primrose Isa pinainum tapos magtake ulit daw aq sa Gabi so 2x a day q gagawin un. ) eh Di pako ready manganak kase may prior business aq that weeks. Hindi aq nagtake ng primrose for a 3weeks. okay Naman 41 wks & 5 days baby out muntik pang maoverdue 🤦🏻‍♀️😮‍💨

Magbasa pa