Kelan Bumalik yung Sagana sa Pagkaen?

Hello po. 1st time mom po ako since 7 weeks po nawalan po ako ng gana sa pagkaen. Halos lahat sinusuka ko makakaen lang ako. Ngayon po nasa 15 weeks na po ako. pero wala padin po ako hilig sa pagkaen lalo na sa ulam at kanin. Pero di ko na po siya sinusuka. Hirap padin po ako makakaen ng kahit anong ulam :( Please help po. any suggestion po kusa po bang bumalik yung Sagana niyo sa pagkaen or nmy need po gawin?. Pag tinitignan ko po ksi yung pagkaen diko po talaga kaya kainin yung mga inaayawan ko noon, till now ganun padin. or baka po takot lang ako ulit kainin dahil sa experience ko po dati. #advicepls #pleasehelp #lossofappetite

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hindi kaya sa vitamins na iniinom mo..ewan ko lang ha kasi un start ako uminom ng folic acid ganyan ako naging maselan halos 2kutsarang kanin lang nasusuka na ako kaya itinigil ko un pag inom ko ng folic acid(sana hindi magalit sa akin un ob ko kasi hindi niya alam😅😅) tapos nun itinigil ko hayun kung malakas na ako kumain maski mas gusto ko un prutas at isda ngayon..sana maging malusog un baby ko kahit walang folic acid feeling ko kasi pag nanghina ko paano n un baby ko sa loob so kailangan maging mlakas din ako para healthy rin siya.

Magbasa pa
3y ago

Hindi ko lang po sure kung sa vitamins. Pero po kasi nung going to 7 weeks po ako dati nakakaramdam nako na parang iba na yung panlasa ko sa manok palang po kahit anong luto. tapos ayun tuloy tuloy na po kahit anong klaseng ulam. Saka maselan din po ako sa pang amoy ko po till now pag nakakaamoy padin ako ng nag gigisa diko padin kaya.