Required ba talaga?

Pinaplan ko na sana magprepare ng mga hospital docs/checklist. Ask ko lang if kailangan po ba talaga yon? May mga napapanood kasi ako and nababasa na kesyo pampasikip lang naman daw sa bag. Na kesyo Valid ID, MDR(philhealth), ultrasounds, and laboratories lang naman daw usually hinihingi. Wala ng daming chuchu. Sa mga naka experience po, totoo po ba?

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hi momsh base on my experience lang po gumawa din ako ng checklist and feeling ko nasayang effort ko hehe as long as dala mo yung birthcertificate an IDs mo and kay husband mo po goods na din po yun. at yung mga checkup papers mo po and ultra sound pero ako po di ko na dinala may private OB po kasi ako and sya din yung nag paanak saakin kung may private OB ka po kahit di mo na po dalhin yung mga papers kasi alam naman po nya yung background mo nung nag bubuntis ka pa po. Pero if wala ka pong private OB need mo po dalhin hihingiin po yun ng hospital

Magbasa pa

base sa experience ko nanood kasi ako sa tiktok kaya marami ako na nakaready na dadalhin pag manganganak na. nung 34 weeks ako nanghingi ako ng checklist ng pagpapaaanakan ko konti lang pala yung mga kailangan. advice ko sayo, kuha ka ng checklist sa mismong pagpapaanakan mo para ang mga dadalhin mo ay yung mga nakalagay dun. 37 weeks na ko nagbawas ako ng ibang dadalhin.

Magbasa pa

Based on my experience ID ng Philhealth and MDR lang po nagamit. Lying in po aki nanganak yung mga records nyo naman po during pag bubuntis maganda din sya dalahin just to correlate on things.

VIP Member

Kapapanganak ko lang po nung October 6. ang kinuha lang sa akin copy ng philhealth ID at mga laboratory results ko po especially yung sa ultrasound at bps

VIP Member

sb nga nla mas mbuti ng handa Mi. hehe. in my opinion nman po, mas mdmng docs mas okay. ayoko npo kc pabalik balikin