Stress

Pasensya na dito ako maglalabas ng sama ng loob. Ayoko sana ma stress dahil alam ko madadamay ang baby ko kaso wala akong choice pinipigilan ko na umiyak wala e talo ko masyado talagang mababaw luha ko. Nag away kami ng partner ko dahil umuwi sya sa kanila 2 days na syang d umuuwi sa amin kahit alam niyang kabuanan ko na. Alam ko naman na namimiss niya ang pamilya niya at naiintindihan ko yun ilang buwan din nyang d nakita ang nanay nya. Kaso sa 2 days na andun sya sa pamilya nya nakalimutan din ata niya na may asawang naghihintay sa kanya na buntis. Selfish na kung selfish pero gusto ko nasa tabi ko ang partner ko sa oras na lumabas ang baby namin. Natatakot ako manganak ng walang partner sa tabi ko oo anjan ang mama ko pero gusto ko na andun din sya kasama ko masama ba yun. Bakit d nya ko maintindihan sa part na yun. #1stimemom #pregnancy #firstbaby

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Grabe kabuwanan mo pero natiis ka na iwanan at 2days pa? Yung lip ko halos ayaw kami paalisin dito sa bahay para pumunta sa mama ko. Dahilan nya ayaw nya uuwi sya na wala kami ng anak nya. Di ka selfish mommy, sadyang walang concern asawa mo sayo. Sorry mommy. Prayers for you. πŸ˜‡

4y ago

Ang sakit mang sabihin baka nga walang concern samin mag ina yung asawa ko kasi natiis nya kami ng 2 days πŸ˜”πŸ˜’