2019 in review
Para positive naman, ano ang best na nangyari sa inyo nung 2019? Kukunin namin ang best answers at ifi-feature sa TAP ☺️
Best moment ko, ay paano kumilos si God itong pagbubuntis ko... This August 2019 pregnant na ako, pero nakapagPT lang ako nung October, dun ko lang nalaman.. parehas kami walang work nun.. kasalukuyan niyan na nasa Sta Mesa ako sa bahay nila.. naiiyak ako kasi baka di ko mabigay sa baby ko yung mga dapat sa kanya.. baka di ko mabigyan ng kumpletong vitamins, yung gatas ko na iniinom yung tig 7.50 lang, di din ako maprutas, magpapabili pa ako sa asawa ko ng isang pirasong apple, pero di lang ako ang kakain, pati yung mga tao din sa bahay nila.. Nakita ako ng asawa ko na namamaga yung mga mata ko at namumula ang ilong ko, di ko sinabi kung bakit pero sinabi nya na makakaya namin lahat ng pagsubok nanjan lang si God, di ibibigay ni God si baby kung di namin kaya ihandle.. that time, alam na ng parents niya, ang sabi samin kailangan namin ipaalam sa parents ko.. natakot ako kasi baka magalit sakin yung magulang ko, di ko alam yung mangyayari.. Yung asawa ko nag aalala din na baka magalit sa kanya, at palayuin na ako.. bago yung araw ng pgpunta sa bahay namin, nakita ko yung asawa ko nung hating gabi hanggang madaling araw,, umiiyak siya habang nagdadasal ng nakayuko... At pagkatapos tinapon niya yung mga diary niya sa karera, binilot niya ng papel at tape... Di niya alam na gising pa ako at tinitingnan ko lang siya.. nung umaga nag aalmusal kami, umiyak siya sa harapan ko, nagpray daw siya kay God at sinurrender na niya lahat kasama yung pagsusugal niya sa karera, niyakap ko lang siya at naluluha na din... Yung araw na yun, papunta na din kami sa bahay namin sa Makati, nagpunta ang asawa ko sa kwarto nila mama ko, lumuhod at umiyak sa harapan nila,, tinanong ni mama kung bakit, hinulaan lang ni mama na kung buntis ba ako, tapos natuwa sila, gusto na daw nila magkaapo.. kumain pa kami sa mall, nag inom pa sila ni papa kahit bihira lang yun uminom, wala namang okasyon, pero sinabihan ni papa Yung asawa ko na kailangan icelebrate dahil magkakababy na kami... Naanswer yung prayer ng asawa ko na tatanggapin kami ng buo ng parents ko na di nagagalit.. strikto kasi Yung mga parents ko, kaya himala din na ganun ang naging reaksyon nila... One time, naiiyak na naman ako na nadedepress dahil di ko rin talaga maiwasan ang mag isip, dahil walang work yung asawa ko,, di namin mabibigay kay baby Yung mga kailangan niya dahil kapos kami parehas... di ako sanay kumausap ng ibang tao kahit kapamilya pa, di ako nanghihingi ng tulong dahil para sa akin, kailangan kaming mag asawa ang kumilos.. Pero nagpray ako kay God, emotionally nagsalita ako kay God, alam ni God lahat ang pinagdadaan ko pero kailangan ko mailabas lahat para gumaan yung loob ko.. sinurrender ko kay God lahat, di ko kaya, di din kaya ng asawa ko... Wala kaming maipagmamalaki... Kailangan namin at ng baby ko si God.... And God is faithful, naluluha na naman ako kasi sobrang bait ni God.. Siya ang Diyos na di nakakalimot, handang patawarin anuman ang kasalanan mo,, handa ka Niyang tulungan na walang kapalit, at higit sa lahat, lagi ka Niyang mamahalin ng walang pinipiling kondisyon.... God will provide talaga..... Nagpray kami ng October,,, binigyan ni God ang asawa ko ng work nitong November... Nagkaroon ng maraming gamit si baby gaya ng duyan, bathtub, mga damit, thermometer, bottle at iba pa,, halos makumpleto na... Wala kaming hiningi sa pamilya namin at di kami humiling ng kahit anong gamit ni baby,, kusang ibinigay mula nung October ilang weeks pa mula nung nalaman nila hanggang ngayong December bago magtapos ang taon.... Nagugulat na lang ako sa mga blessings na dumadating, na hindi namin hinihingi sa tao, kundi lahat pinagpray namin Kay God... Sobra sobra at nag uumapaw na pagmamahal, ginamit ni God yung mga tao para ipaabot samin ang blessings Niya... Ngayong Jan 4 ay 22 weeks and 2days na ang baby ko sa tummy.. praying naman na maging maayos kami parehas ni baby pag manganganak na ako this May..
Magbasa paNapaisip tuloy aq "Ano nga ba ang 'best' na nangyari sa akin noong 2019?" January-malayo si hubby sa amin. Nasa work siya at habang nagkakasayahan ang mga kapitbahay namin sa labas na nagcecelebrate ng new year, ako naman nag-scroll up and down lang sa newsfeed sa fb 😐 February-nagresign si hubby sa work. Natuwa aq na nanghinayang. Natuwa kasi pipirme na siya sa bahay. Nanghinayang kasi sayang yung kita nya, pandagdag sa gastusin. March-unti-unting nanghihina ang kapatid kong may lupus. 1yr na siyang bedridden, at lumalaban talaga siya. Pero di na kaya ng katawan nya. Yung feeling na kahit gusto mo siyang damayan sa sakit na dinaramdam nya wala kang magawa kundi pasayahin nalang siya. April-2times naospital ang kapatid q. Kahit nasa ospital siya masayahin pa rin siya. Ayaw nya kaming nakikitang iiyak dahil nahihirapan kami para sa kanya. May-namatay ang kapatid q. Pero yung imbes na magluksa kami, kinongratulate namin siya. Kasi graduate na siya sa hirap at sakit na dinanas niya sa isang taon at kalahating pagiging bedridden. Nanalo siya sa sakit na lupus. Pagkapanalong may halong panghihinayang. Kasi isang taon din niyang nilabanan. June-naaksidente ang asawa q. Pero ipinagpasalamat ko sa Diyos dahil gasgas lang sa tuhod nangyari sa kanya. Ang sumalo sa lahat ng bali ay yung motor ko na ginamit nya. Wasak lahat ng front cover ng aking Honda beat. Putok pati ang tyre. Akalain mo yun, matatapos q na sanang hulugan yun, nadisgrasya pa 😢 July-delayed aq, and when i took the PT, its screaming positive 😱 August-eto na ang kinaiinisan kong paglilihi. Ayoko sa lahat talaga yung susuka aq. I crave lots of sweets, nagsilabasan lahat ng pimples q, gusto kong laging iinom ng sabaw ng buko. Pinapakuha q ng buko asawa q kahit gabi. Pinagagalitan aq ni mama, bakit daw gabi aq nagpapakuha. September-i had my first ultrasound scan. And the feeling was "i-cant-describe-the-happiness" 😍 sa firstborn ko hindi aq nagpaultrasound. Kaya tuwang tuwa aq ng marinig q unang heartbeat ng bb q sa ultrasound. October-wala akong matandaan sa buwan na to 😁 November-1st undas na kasama na yung kapatid q sa bibisitahin namin sa sementeryo. Although every month bumibisita aq sa puntod nya. Nakakamiss 😢 December-humagupit si Ursula 😢 paskong pasko wala kaming kuryente. Wala kaming noche buena kasi nakakatamad magnoche buena ng madilim. Nagsitulog lang kami. Likewise sa gabi ng bagong taon. Tulog kami lahat habang maiingay na nagtotorotot mga kapitbahay namin. Summary: Siguro yung masasabi kong positive na nangyari ay yung maging positive din ang PT ko and marinig ko ang unang heartbeat ni bb sa ultrasound scan 😘😍
Magbasa paAng pinaka the best na nangyari samin nung year 2019 ay magkaroon ng isang Unexpected Blessing. Though di namin pina_plano pa kc nga nag aaply ako abroad,at sabi ko naman maybe sa pagtapos nlang ng contrata ko sa abroad tsaka ako magbuntis ulit. JUNE 13 nag pt ako dahil delayed na ako ng 5 days.regular namn un period ko. Hinintay pa nmin ng 10 minutes bago nmin tiningnan and then tsarrraaaaannn... two lines na po ang lumabas. Ung feeling nming mag asawa ay di mapapalitan ng khit anong bagay na nabibili,sobrang tuwa nmin nun,kini kiss nya ako at ung tummy ko(super daming kiss) excited at the same time nanghihinayang sa opportunity na kung di sana ako nag positive ay nasa abroad ako ngaun.. But its ok after 3 years of waiting nabgyan din kami ulit ng isang malaking Blessing,di naman to ung unang Blessing na dumating smin,kc I got pregnant with my baby boy last 2016,kaso sinukat ni God ung tatag nmin sa isat isa .. nakunan ako at 36 weeks.cord coil 2x.. pero di kami bumitaw sa pagdadasal na sana dumating ung time na magbigyan ulit ng chance.. And this is it.. 34 weeks pregnant with baby boy ulit.. we stick to Gods promise na hindi nya kami efe_fail sa lahat ng bagay bstat hwag mawalan ng pag asa at dasal lang lagi.. I believe that God gives us what our hearts desire at the right time. Just PRAY WITHOUT CEASING☺ thank you
Magbasa paAt first, i thought that 2019 was my worst year ever. I got pregnant, which was totally unplanned and unexpected. And 8 months pa lang kami ng boyfriend ko that time. Also, we didn't know how to tell my parents. When it was finally the time to tell my parents, it was chaos. My parents got so angry. I was forced to leave. So i left with my boyfriend, and i lived with him in his rented apartment, together with his two other friends. I always cried at night, worrying about my parents and for my baby. I was still keeping in touch with my youngest brother, to give finances to my parents. At least i know i am still able to help them no matter how small. After a month, my parents warmed a little. My boyfriend that time, brought his parents at home to talk with my parents. They planned to get us married before i give birth. And so the stress of wedding preparations came the following months. Everything got alright. We got married in January 2020. I planned to forget my 2019 memories since it was the most tragic yet the best i had was there. Without 2019 happenings, i wouldn't be happy with my husband now. Without 2019, I wouldn't have my baby now. So i am very thankful that God gave me my 2019 challenges. I am so blessed this year. Challenges may come, but we are physically and mentally prepared to face it.
Magbasa paDec. 2018 nagpray ako kay Lord na pagnagbuntis ako girl na..then tumigil ako magpils.ayun jan.2019 buntis na ako kasi di na ako niregla at confirm nung nag pt ako at nag pachek..so ayun na nga po nagpray ako ulit to confirm na girl na makulet tlga ako hahaha..nag hingi ako sign kay Lord name na pang girl pag may nag preach na pastor dun ko kukunin..at ayun nga si hannah kaya subrang saya lang kaya kahit na di pa naultra sound si baby pag may nagtanong ng gender sagot ko girl na..claim ko tlga by faith..8months nagpa ultra sound kame its a girl.pero sabi ng iba may posibilidad daw na magkamali kaya wag daw kame agad magdiwang hahaha pero kame mag asawa claim na namen kaya nung lumabas na si baby girl oct.22 2019 answer prayer tlga napaiyak sa tuwa kasi di tlaga kame binigo ni Lord tinest kame ni Lord kung gaano kame nanampalataya sa kanya..ito ang pinaka dabest at di ko makakalimutan na nangyari sa taon ng 2019 ang magkaroon ng baby girl..God is good!
Magbasa paI got pregnant march 2019 dun kO nlaman buntis ako tas nag isang dibdib kmi ni hubby last August 2019 then i give birth October 2019 a baby girl ( surprise gender ) ksi dipo nmn alam gemder ni baby non tapos dun ko lng or dun lang nmn nlamn na di kunpleto ung matris ko inborn daw sbi ni o.b ko nagulat sya buti daw di naging ectopic ung pagbubuntis ko kya laking paslamt nmn naging malusog ung baby ko tapos di ko tlga kaya i normal delviry if ever na nka pwesto ung baby peo si baby girl ko di sya naka ikot na pirme lang sya sa pwesto nya una pwet wala sya iikutan kya na emergency cs ako dhl 2cm na ako pero november pa due ko kya Ecs po ako so ayun nga po laking pasalamat nmn na naging ok namn lagay ko at ng baby ko ayun Ps. Ayun po ang ung naka bilog po gnyan po ung wala sa matris ko kya if ever na masusundan baby ko in the near future sana maging healthy katulad ng baby girl ko 😊😊😊🙏🙏🙏un lng po thankyou 🙏🙏🙏🙏
Magbasa paAt the age of 31, I got married last Dec. 31, 20,19 @ 4:30 am 😆. Confirmed we are having Baby by Jan. 2, 2020 on his/her 16th week. The thing I am grateful for is within 3 mos. I have no idea that I am carrying our first baby. The very first of the family. The baby we have been longing and waiting for. Irregular kasi period ko. I have hormonal imbalance. Pagsusuka is normal na sa kin dahil sakitin aq. Nag PT aq sa kdahilanang mrami ngtatanong qng buntis aq. Pero negative. Akala ko pananakit sa tagiliran dala ng aking UTI. Nang nagpa check up aq dun ko na nalaman. How TANGA of me. Sorry Baby. In those 3 months, palagi ako nakasingle motor, nag-saSaridon twing my migraine attacks, nag pa Brazilian treatment, nag pa pedicure for how many times and so on. Thank you, Lord, for keeping the baby alive. 🙏 Despite my carelessness.
Magbasa paNung nalaman ko/namin ng partner ko na buntis na pala ako. 😊😊😇😇 Sabi sakin nung unang doktor na tumingin sakin may problema daw sa puson ko kaya laging sumasakit (though 2 lines naman ung pt ko pero malabo ung isa) 2nd doctor na tumingin sakin, may PCOS naman daw ako(hindi pa sya sigurado nun, pero ang sakit malaman na may ganun ako, iyak ako) (ganun din result ng pt ko sa una) so para maconfirm suggest niya magpa transv ako, at kung ano ano pang test, at lahat sinasabi negative. Pero may isang test na hindi pa lumalabas, nakalimutan ko na kung anong tawag dun, 1week pa labas ng result. Hinintay ko/namin, sabi ng partner ko sana buntis na lang ako kaysa may PCOS para mas masaya. After a week, lumabas na resulta...and ayun nga, I thank God kasi BUNTIS ako. 😇😍 Yun lang, haba ng kwento ko. 😅😅
Magbasa paThe best na nangyari sakin sa 2019 ay pagkatapos ni hubby mag study para magka pay rise, ay nakabukod na kami. Doble gastos kasi kami dati both kami nag rerenta ng own room namin. Bawal kasi babae sa bahay ni hubby. Hehe. Kilala pa ni Mister yung landlord kaya kami napili agad, nawala pa nga kami eh pero kami yung nauna sa viewing sa unit. 😅 Malapit pa sa work ko, sobrang convenient sakin kasi hate ko mag taxi, ang mahal kasi. At wala problema si hubby kung maglalakad ako. Nagka baby din kami ni hubby after a few months. Ang bait talaga ng Diyos na settled muna kami bago nagka baby. Nagka pay rise, nakakita ng unit at nagka baby na. Sobrang timing talaga lahat eh. At wala naman problema family ko sa baby ko, tanggap kaagad nila. Mas excited pa nga sila eh, kaysa sa’kin.
Magbasa paBest Blessing,,Nung Nalaman Ko Buntis Na Pala Ako,Sakto Mg New Years Eve Ako Ng PT Nun...Dhil Ngtataka Na Nga Ako Mgkakatapusan Na Ng December Wala Prin Ung Period Ko..Kaya Ngdecide Na Ako Mgpt, That Time Hndi Ko Muna Pinaalam Sa Asawa Ko..(Baka Kc Negative Na Nmn Eh..😅) Then Un Na Nga 2lines..Hndi Ko Alam Magiging Reaction Ko..Kung Iiyak Ba Ako Or Matutuwa..Sobrang Na-Overwhelm Ako Dahil Inaantay Na Rin Tlga Nmin Mgkababy.. After Nun Pinakita Ko Sa Asawa Ko PT Ko.. Ayun Iyak Kmi Pareho...Hndi Kmi Ng-Expect Nun..Pero Tapat Tlga Si GOD Sa Mga Pangako Nia...Naun 11weeks Preggy Na Ako,, Best Blessing At Answered Prayer Smin Bago Natapos Ung 2019.😊😇
Magbasa pa