ULTRASOUND

Palabas ng sama ng loob mga mamsh. :( Im 6months pregnant ftm. Nag away kami ng lip ko about sa pagpapaultrasound. Kasi mas gusto ko na magCAS or ipa4d yung ultz samantalang siya gusto niya yung mumurahin lang. May ipon na po kami for baby pero parang ayaw niya ipagalaw sakin. Gusto ko lang naman malaman kung maayos yung anak ko sa sinapupunan ko kaya gusto ng ganung ultz pero bakit hirap na hirap siyang umoo. Sinasabi niya na pangsosyalin lang daw yung ganung ultz. Ang gusto ko lang naman mga sis maging special yung anak ko. Sa buong buhay ko minsan lang tong ganto. Gusto ko maayos lahat dun lang ako makakapante. Pero halos maiyak nalang ako dahil nagkasagutan pa kami ng lip ko dahil sa ganun. Nag ipon kami for baby. Usapan namin for baby talaga lahat yun pero hirap na hirap siya ipagalaw. Hindi naman ibang bagay ilalaan lang yung gastos. Para sa anak naman namin. Iniisip niya iisipin ng magulang niya na papagalitan siya kasi di kami praktikal. Eh pinag ipunan nga yun para dun. Ewan dumidipende siya lagi sa sasabihin ng iba. Mukhang maaga ako manganganak dahil sa stress. ???

64 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Yung partner ko gusto nya ipa 4D si bby :) ako ang may ayaw kasi nakapagpa CAS naman na kami. Msyado kasing mahal. Pero depende kasi sa inyo yan. Tska minsan lang yan :)

MagpapaCAS din ako this end of the month 2k sya... pumayag naman asawa ko.. D naman sya kontra ssamahan pa nga nya ako... Kasi we both want to know kung ok si baby...

Tsaka na lang po yong CAS kapag malapit ng lumabas si baby. Or kapag naka6-8 months na. Kung di man po siya pumayag pagipunan niyo na lang po ng sarili para sa CAS.

TapFluencer

Ok nmn ung CAS Sis kse mlalamn mo agad if me problem sa development ni bby mo,paliwanag mo na lng kay hubby mo un ,wag na 4d makikita mo rin nmn si baby pglabas.

VIP Member

kung may request ka mismo galing sa OB ng CAS, ipakita mo sa kaniya, mostly yan pinapagawa para makita if may prob sa mga organs ni baby or if may bingot..

Explain mo sa kanya ung purpose ng CAS sis, ung 4D kc di praktikal kaya convince mo lang na kahit CAS lang, may mga nag oofer ng CAS na di ganun ka mahal.

Ako gusto ko din maexperience yan. Hehe, Explain mo nalang sa asawa mo sis kung para saan yun. Para makita kung normal body parts ni baby sa loob. ganon

yes magpacas ka...para malaman mo if may diperenxa o wla ang baby..importante un at nirerequire nmn tlga un ng ob...wag kna mag4d. mejo pricey un eh...

3d or 4d pwede po if 30weeks pataas N ung baby.. Pero ung Cas po is ok lng nmn.. Honestly d rin kc advisable ung 4d masyado mainit pra ky baby,

Ako nag paCAS ako kc advised ng ob ko, hnd nmn xa pngsosyal kc sa cas makikita kung my deprensya ba c baby at kung nabuo ba xa ng maayos..