ULTRASOUND

Palabas ng sama ng loob mga mamsh. :( Im 6months pregnant ftm. Nag away kami ng lip ko about sa pagpapaultrasound. Kasi mas gusto ko na magCAS or ipa4d yung ultz samantalang siya gusto niya yung mumurahin lang. May ipon na po kami for baby pero parang ayaw niya ipagalaw sakin. Gusto ko lang naman malaman kung maayos yung anak ko sa sinapupunan ko kaya gusto ng ganung ultz pero bakit hirap na hirap siyang umoo. Sinasabi niya na pangsosyalin lang daw yung ganung ultz. Ang gusto ko lang naman mga sis maging special yung anak ko. Sa buong buhay ko minsan lang tong ganto. Gusto ko maayos lahat dun lang ako makakapante. Pero halos maiyak nalang ako dahil nagkasagutan pa kami ng lip ko dahil sa ganun. Nag ipon kami for baby. Usapan namin for baby talaga lahat yun pero hirap na hirap siya ipagalaw. Hindi naman ibang bagay ilalaan lang yung gastos. Para sa anak naman namin. Iniisip niya iisipin ng magulang niya na papagalitan siya kasi di kami praktikal. Eh pinag ipunan nga yun para dun. Ewan dumidipende siya lagi sa sasabihin ng iba. Mukhang maaga ako manganganak dahil sa stress. ???

64 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

May point din naman hubby mo sis. Kahit naman kasi makita mo si baby sa cas, at kung may sakit sya hindi mo pa rin naman sya magagamot. Sa 4d maaga pa naman, makita mo rin naman si baby paglabas. Mas marami pa gastusin sis paglabas ni baby kaya as much as possible mag ipon kayo ng mag ipon.

Tell him na hindi kasosyalan ang magpa Congenital Anomaly Scan. It is to know the over all well-being of the baby. Basta ba para sa ikabubuti ni baby bakit titipirin? Don't stress out. Take him with you when you go to your prenatal check up para well educated din sya on your pregnancy.

It's fine mamsh dika mag pa ultrasound Alam namn ni OB mo pag na pa IED ka kita nman sa tiyan mo ano lagay ni baby sasabihin naman ni ob mo kung di okay si baby, huwag ka ma stress sa hubby mo sasabihan ka lang ni OB mo na mag pa ultrasound ka be happy lang mamsh πŸ€—β˜Ί

Ako nag pa cas kahit wlang referral ng ob.. pero cas ko ndi 4d tig 1, 500 lang... inexplain ko ky hubby pag kakaiba ng cas sa ordinary ultrasound.. ok lang nman sa knya madali syang kausap kung anu daw mkaka buti samin preho ni baby.. go lang daw.. my ipon nman daw..

VIP Member

pa cas ka sis kahit 2d lang wag na 4d kasi mas mahal talaga ang 4D, importante naman dun malaman mo lang na safe si baby sa loob ng tummy. :), ilaan mo nalang sa ibang bagay para kay baby ang budet nyo sis kasi mas madami pang gagastusin paglumabas na si LO nyo :)

Cas go pero 4d wag na siguro. Ako nagpa cas ako, sa 4d naman asawa ko may gusto kahit mahal buti nalang di ako siningil ng ob kase di namin tinuloy ang 4d nakakuha ako isang libreng pic nakaharang kase kamay ni baby. Failed daw ayaw ni ob ituloy sayang pera hehe

Hello po... Kung CAS and mura po, Try niyo po sa East ave. As outpatient naka 1k lang ako all in. Pero need po magpa-appointment sa kanila 1month before the procedure and may interviews and requirements din po. Pero atleast maccheck niyo si baby agad. 😊

Magbasa pa
VIP Member

Intindihin mo n lng dn cia sis, ako dn dun s pagiging praktikal, ung hubby ko tinataning ko gusto ko ipa 4d c baby nung buntis ako pero ako nmn ung tumatanggi. nmamahalan kc ko and ang importante lng s akin is malaman n maayos c baby s loob😊

We need to be practical, paglabas ng baby mo mas madami pa ang gastos na aabotin niyo. Wag na 4d, sa 2d makikita mo na somehow ang features ni baby at paglabas niya makikita mo rin sya. May point yung partner mo. Ako ganyan din ako nung una.

Ako nung nag 6 months ung CAS ang recommended ni OB para masukat lahat ng parts at kung complete sya. Tpos sbi ni OB 29 weeks dapat mag pa 4D kasi daw pag 30 weeks na mahihirapan na ang mag uultrasound kuhanan ng pic.si baby.