64 Replies

VIP Member

Wag kana mag4D sis. Ako din dati gusto ko mag4D esp FTM ako kaso nung nalaman ko mainit pala yon ayaw ko na kase kawawa naman si baby baka mapaso pa. Yung CAS naman kung gsto mo ipagawa, go lang! CAS ko 2k, sa may commonwealth. Ob station clinic and ultrasound, check up naman nila 350 pesos tapos yung ultrasound nla 1k. May nabasa ako somewhere, sa adventist pasay 1,600 daw yata CAS, not sure

Sis if wala naman kayong defect ng lip mo, both healthy and walang naging complication during first trimester okay lang din naman na wag na magpa CAS as per my OB. Bukod nga sa mahal, maiistress ka lang if malaman mo na may defect ang baby then wala ka naman magagawa agad if ever may findings. Pero kung preferred mo talaga, hanap ka na lang ng hospital or clinic san may pinakamurang CAS.

VIP Member

Nothing wrong with your husband. Wag mo nalang damdamin masyado. Me personally ayoko rin magpa CAS or 4D. Iniisip ko kasi mas marami pang darating na gastos paglabas ng baby ko. And ayoko rin ma-stress. Kasi if ever may congenital anomaly man si baby wala ka naman na magagawa. Ma-sstress ka lang kakaisip hanggang sa manganak ka. Pag pray mo nalang na normal ang baby mo.

Be practical sis..iniisip lang cguro ng hubby mo ung future expenses ninyo. Marami nman healthy babies na Pelvic Ultrasound lang ang ginawa nalalaman din nmn kung may complications c baby and may new born screening nman pagkasilang..and pede din nmn iyang CAS n gusto mo kung malapit kn mangangak expensive nga lang at di nman talaga sya nirerequired.

May point din naman si hubby. Magpaliwanagan na lang kayong dalawa para rin malaman nya side mo. Tama naman na mag-alala ka kay baby. Pero try to listen to him. Malay mo nga naman, sa labor kayo mashort dahil lang nagpaultrasound ka ng ganyan kamahal. Or may nakita sya na something na possible maging emergency expenses niyo pag nanganak ka na.

Anu ba purpose mo at bakit 4D pa talaga gusto mong ultrasound? Nagpapakapraktikal lang naman ung partner mo lalo na kung sakto lang naman ung pera nio. Simpleng ultrasound lang enough na para makita kung ok si baby. Aanhin mo naman ung bonggang pic ng ultrasound kung wala ka naman pambili ng gatas at diaper diba?

VIP Member

Ako po nagpa-CAS kasi gusto ko po mapanatag, dun kasi makikita kung okay development ni baby, kung wlang abnormalities like my hydrocephalus, cleft lip and palate, o down syndrome. Pinagawa po nmin kahit na sa ngayon nawalan work hubby ko. Gusto ko kasi mapanatag hehe. Usap nlang po kayo ni hubby mo ng maayos..

Nung tinanong ko ob ko para san ung cas sabi lang nmn nia mas malinaw mo lang makikita ung baby sa loob, at madalas ipagawa un kung may history ang family nio both side nang kulang or sobrang mga daliri. Yun lang pag kaka iba na cnb nia. Nung cnb kong wala nmn , sabi nang ob ko kht simple ultrasound pede nmn.

Hindi naman pag aaksaya ng pera ang pagpapa CAS. Oo mahal magpa CAS pero ako nga na kahit wala ng natira sa wallet ko na cash nung nagpa CAS ako, go parin ako kasi gusto kong malaman na healthy, okay and normal lahat kay baby. Siguro pwede ninyong iiskip yung 4d utz pero yung CAS maganda po kasi siya mommy.

there's nothing wrong naman po between the two of you, pero kasi baka gusto lang po talaga maging praktikal ni lip mo ganyan din po ako gusto magpa cas at nung dumisagree siya kasi bukod sa mahal eh di naman nirecommend ng ob ko sa akin first baby din po namin to now and understandable naman

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles