Palabas po ng sama ng loob

Palabas lang po ng sama ng loob. May night swimming po kasi ngayon yung asawa ko tapos kasama dun yung babaeng pinagseselosan ko, diko po mapigilan magselos kasi hindi ko naman siya pinagbabawalan pero nung nalaman ko na kasama yung babaeng yun ayoko siya pasamahin, hindi naman sa wala akong tiwala pero kasi nasasaktan ako buntis po ako ng tatlong buwan hindi ko mapigilan umiyak ang bigat bigat sa dibdib. Tapos nung tinanong ko po kung saan sila magswimming ayaw niya sabihin. Any advice naman po bigat bigat talaga ng dibdib ko ngayon.

48 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hello po, mabuti pong sabihin niyo po sa inyong asawa ang inyong nararamdaman upang maunawaan niya rin kayo. Mag-usap po kayo ng maayos. Saka po dapat din maunawaan ni mister na napakasenstibo po ng inyong sitwasyon dahil buntis po kayo. Mommy baka pwedeng makatulong ang article na ito. https://ph.theasianparent.com/tips-sa-magandang-relasyon https://ph.theasianparent.com/payo-sa-mag-asawa

Magbasa pa