OUR LITTLE ANGEL IN HEAVEN

Palabas lang po ng bigat sa dibdib. Nanganak ako ng birthday ko, 10/22/2020 12:05pm, 39weeks 3days. Madaling araw pa lang nagle-labor na ako pero pagpunta ko sa lying in close cervix pa din, pinauwe kame pero bumalik din kame kinaumagahan pagka-IE saken 5cm na agad at saktong pumutok na panubigan ko. Nakita nila naka-poop na si baby at bumababa na ang heart rate nya. Emergency CS ako. Ang saya ko kasi ka-birthday ko ang baby girl namen. Sobrang saya ko nung narinig ko si baby na umiyak, kasi alam ko na okay sya. Kinagabihan kinausap ng pedia yung asawa ko na dadalhin sa NICU si baby kasi sobrang nahihirapan huminga dahil sobrang daming poops na napunta sa lungs nya. Dinala si baby sa kabilang hospital kasi walang available na NICU kung san ako nanganak. Ang dami daw kinabit na kung anu-ano. Di ako makatulog nung gabi sa sobrang pag-aalala, tas kinaumagahan nag-text ang nanay ko na medyo umookay na si baby kaya nakahinga kame ng maluwag ng asawa ko. Kinahapunan, nagtext ang nanay ko na tutubuhan daw si baby sa gilid kasi biglang di na naman makahinga ng maayos, nag-panic na ako pinapunta ko kaagad asawa ko sa kabilang hospital. Panay ang update ng asawa ko, sabi may tinusok daw sa dibdib ni baby at medyo umokay ang paghinga. X-ray daw si baby at pag okay ang result babalik na sya saken dahil mag-isa lang ako at walang bantay. After few minutes, nagtext ang asawa ko na pabalik na sya. Tanong ako ng tanong kamusta result ng xray pero di nya ako sinasagot. Nagsimula na ako mag-alala. Pag-open ko ng messenger, nakita ko ang message ng father in law ko sa family group chat na iniwan na kame ni baby. Tawag ako ng tawag sa asawa ko, iyak na ako ng iyak tas nung sumagot sya tsaka ko lang na-confirm na wala na si baby. Sobrang sakit. Di ko alam san ako nagkulang, di ko alam anong mali sa mga ginawa ko. Inalagaan kong mabuti si baby nung pinagbubuntis ko sya. Akala ko sapat na yun. Akala ko pag kumpleto sa check up, vitamins at alaga si baby habang nasa tyan, okay na. Akala ko pag nailabas na sya at umiyak, okay na. Ang dami pa rin pa lang pwede mangyari after. Di ko man lang nabuhat o nahawakan ang anak ko. Naaawa ako sa asawa ko dahil nahawakan nga nya si baby pero patay na. Ang sakit sakit. Di naman kame masamang tao pero bakit kailangang ganito ang mangyari. Sobrang excited namen mag-asawa dahil first baby namen. Nakahanda na lahat ng gamit ni baby, sya na lang ang kulang. Sobrang lungkot dahil imbes na baby ang inuwe namen, abo sa urn ang nasa amin ngayon. Sobrang sakit. Ang dami kong tanong pero wala akong makuhang sagot. San ba ako nagkulang? Ang sakit sakit mawalan ng anak. Alam ko angel na ang baby namen sa heaven ngayon at babantayan nya kame ng daddy nya pero ang sakit pa din, gusto ko ako ang mag-aalaga at magbabantay sa kanya. Wala syang mommy at daddy sa heaven, sinong mag-aalaga sa kanya? Pano pag nadapa sya? Pano pag umiyak sya? Pano pag may umaway sa kanya na ibang angel? Sino mag-aayos ng buhok nya sa heaven? Makikilala ba nya kame ng daddy nya pag nasa heaven na din kame? Namimiss ko ang baby ko, mahal na mahal namen sya. Di ko alam san ako magsisimula ulet, ang hirap tanggapin. Sobrang sakit 😭😭😭 Makaka-move on pero di makakalimot. May angel na kame sa heaven ❀️ Mahal kita bebe girl, sobraaa! 😘 PS. Lying in ang first choice namen dahil sa covid pero nasa back up plan namen ni ob na sa private hospital manganganak if kailangan talaga. Lying in and hospital ay both affiliated si ob at 5minutes away lang po sa isa't isa. Sa private hospital ako na-emergency cs

222 Replies
Write a reply

condolence po, kaya mas naniniwala ako sa kasabihan na pag para sayo para sayo tlaga, inalagaan mo mang mabuti nung pinagbubuntis mo plng pag d talaga para sayo hnd tlaga, sad bat u need to accptπŸ₯Ί

kya ako hospital tlga ko ket anu mangyare. kse mga doctor at mga nurses tlga ang ksama mu. magkaron man ng kumplikasyon ora mismo din masosolusyunan. condolense sis pakatatag ka. pagsubok lang yan. babalik din c baby muπŸ™πŸ™

Read more

Condolence momsh. Same tayo may angel na. 😞 Pakatatag lang. πŸ™

condolences momz...pakatatag poh. πŸ˜₯πŸ˜«πŸ™

Condolence mamsh...may mas mgandang plan c God ahead of you...πŸ™πŸ’—

May God’s comfort be upon you and your hubby Momsh. Condolence po 😒😒😒

condolence po ...

condolence po mommy, ganyan din ako.. naubos na ung panubigan ko kaya na emergency cs ako. buti nalang alert ung OB ko kya kahit 2cm plng ako hndi na ko pnauwi at inadmit na ko pra ma monitor si baby. godbless mommy, kaya nyo po yan dasal lang po kayo.

Read more

Condolence po, malamang may plano pa si god para sa inyo, ndi pa siguro para sa inyo, alam ko ung sakit na nararamdmn mo kse ung 1st baby ko din na wala sa akin sobrang sakit,! Kaya mo yan mommy magtiwala ka lang kay god, my planong mas maganda sa inyo ng asawa mo, keep on fighting, pray ka lang para mabawasan lungkot ng narramdamn mo.

Read more

always pray po sis I feel u I lost my son last year my hangin ung baga nia dahil s naamoy nia ung dumi s loob ng tiyan k... prehas dn ng prosses ung ginawa nila pero biglang ng collapse ung baga nia...always pray lng po mami my rason po ang lhat n ngyari ingat po lgi...

Read more