Head down?

Pahelp mga mamsh, kagabi sumakit yung tyan ko, bandang pusod paikot sa likod. Sumakit din bandang ibaba ng boobs ko. Siguro mga 2 minutes po yun after nun wala na, ngayon feeling ko naman may lalabas sa pwerta ko at hirap na din akong magkikilos. 33 weeks palang po si baby sa tummy ko. Nagwoworry ako na baka maaga sya lumabas. Bed rest naman ako, natayo lang pag iihi, maliligo, kakain o magrerefill ng tubig. Feeling ko sobrang baba na ni baby. #1stimemom #firstbaby #pleasehelp #TeamDecember2021

5 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

rest lang my, ganyan din akin 33 weeks rin ako . feeling ko rin super baba na ni baby naka siksik na sa pwerta ko. kapag naka tayo ako para ako naiihi palagi kasi parang naka dagan sa bladder ko. paranoid rin ako baka mapaaga si baby kaya hinahanda ko palagi sarili ko. Pero may nababasa ako normal lang yung para nag bubbles na lalabas sa pwerta. Mabilis rin manakit bewang ko minsan sa isang part lang pero normal daw sciatica sa buntis at mawawala daw pagka panganak. Sumasakit rin minsan puson ko kung san naka siksik si baby kapag gumagalaw ako or bumabaling ako ng higda. Think positive lang mamsh malapit na tayo unting tiis nalang. January 9-11 EDD ko pero possible na maka labas ng Mid December which is 37 weeks na si baby ☺️

Magbasa pa
2y ago

Hello mommy. 37 weeks na si baby today. Sobrang hirap na gumalaw lalo na pag galing sa pagkakahiga tapos tatayo. Sumisiksik din sya madalas sa kanang side ko. Sobrang sakit din ng ribs ko, pati yung tyan ko sobrang unat na unat na. Any time soon pwede na sya lumabas kaya nag reready na kami. Godbless sa ating pregnancy journey ❤️