19 Replies

kailangan po disiplina sa pagkain mommy. ang rice ,pasta at tinapay po ay combo sa pagpapalaki at bigat natin ni baby. ginawa po namin ni hubby nagprepare kami ng meal plan for a week para po tama pagkadistribute ng carbs and proteins. small serving din po, maliit na plato lang gamitin, tagalan kumain, nguyain mabuti food 😊 2 to 3 kutsara lang po ng kanin ang intake ko per meal. then sa ulam ako bumabawi, yun po turo din ni OB sa akin, pag kumain ng prutas, isang pisngi lang ng mangga, 3 pirasong ubas lang.. ganun po.. tapos bawal softdrinks. tinakot po kasi ako ng OB ko noon na kung di ko disiplinahin sarili ko sa pagkain, araw araw tusok ako for blood sugar monitoring at magiging high risk ang pregnancy ko. monitor your weight daily. 10kg lang po ang total weight gain ko nung nagbuntis ako. inom din po palagi ng tubig para feeling busog palagi. sa awa ng Dyos nakapag give birth ako through normal delivery at no complications kami ni baby. sabi ng OB ko, worth it yung mga sermon at pagalit nya sa akin nun na magdiet ako. hehehe kaya mo po yan mommy!

dahan dahan naman po ako nagpalit ng amount ng rice, hindi biglaan. sabi po ng OB ko di naman po gutom si baby, wag daw ituro si baby na gutom kasi tayong nanay talaga ang matakaw. hehehe. siguro di pa sapat yung sungit at pagalit ng OB mo sau kaya di mo pa makontrol, yung ob ko kasi pag mahina loob mo , lalabas ka ng luhaan sa clinic nya kapag di ka sumunod sa kanya, eh magaling na doktor kasi yun kaya di ko kaya humanap ng iba. small and frequent healthy snack gawin mo mommy.yung matikman mo lang gusto mo , ok ka na. stop na. tapos brush teeth para wla ka na urge kumain. mind over matter .. tsaka pag madami na po food lagi kain, prone tayo sa heart burn nyan, masakit sa sikmura, dibdib at lalamunan yun, prone sa dental problems, sobrang discomfort po iyon at yun nga prone din sa gestational diabetes which results to high risk pregnancy. kaya mo po yan mommy, enjoy your pregnancy ang have a healthy pregnancy journey. 😇😇😇 nagdaan din po ako sa biglang big weight gain, pero namai

Maggegain ka naman talaga mommy ng weight kasi di lang ikaw need ng food kundi pati baby ko sa tummy,. Malaki ba tiyan mo para masabing magdiet ka? Ako nga umabot ako sa 65kilos eh now nasa 70 something pero sabi sa akin pwede pa ko kumain kasi di naman daw malaki baby ko sa loob, by the way sabi din kasi sa akin na mas maganda magpalaki ng baby pag labas kaysa magpalaki ng baby sa tiyan para di mahirapan manganak..

un nga po ang problema lalo n wala magawa s buhay kundi kain tulog lang

VIP Member

Kng feel mo po na nggutom ka, do not deprive yourself po. Just make sure na kung nag gagain ka ng weight, healthy knkaen mo pra sa inyong dalawa ni baby. Ako nga po from 50 kgs to 65kgs. Pro maliit si baby ko nung lumabas, 2.57 kgs lng. Hndi ko nmn pwdeng pigilan kmaen kasi bka manghina nmn ako nun. Bka nsa genes lng tlga ntin na pag ngbbuntis, mabilis tumaba. Just eat healthy foods.

97 kilos ako haha yun talaga timbang ko... nag lalaro sa 97 to 100. during first trimester ko, nag drop ang weight ko, 82 kilos dahil sa grabeng paglilihi... second trimester naging 86 hanggang naging 92... 36 weeks na ako ngayon.. timbang ko nung March is 95kilos, nitong April 94... ewan ko ngayong May hahaha parang ang bigat ko na... baka balik na ako sa 97.

Ganyan din po ako nong buntis ako. May time pa na 10kls na gain ko sa loob ng isang buwan na kinagulat ng ob. Sa kakakain ko cguro ng hinog na mangga na halos 3pcs sa isang araw. Kaya nilimit nya sa half sa isang araw. Sarap kaya kumain.🤣 kaya ang taba ko na ngayon hindi na bumalik ang timbang ko. Kaya no advice here gusto ko lang mag share.😌

ako from 52kg to 55kg .. though pumayat ako nung 1st trimester ko bumaba ako sa 49kg .. 37 weeks na ko ngayon .. 2800grams EFW na si baby sa tyan ko kaya nagbabawas na ko ng rice kasi malapit na din ako manganak .. not sure kung effective na alternative ang plain oatmeal pero mas madali ako nabubusog dun kahit konti lang kainin ko ..

Ako from 55kls nung di pa ko buntis. Bumaba ako sa 52kls nung first trimester, gang kada check-up ko 52kls, 54kls, 56kls then 59.5kls hahaha. Ngayon 35 weeks and 1 day na ko 66kls na. At di pa ko nakakapag ultrasound di ko pa alam kung anong size na ni baby ko. 😂

yun nga mommy dpat daw plaging 2kgs lang ang madagdg sa timbang d ko namn inexpect n 4kgs madagdag sakin pinaglitan tuloy ako😭

ako po, nag diet pero hindi dahil sa timbang ko. Kundi dahil kapag nasobrahan ako ng sugar, baka maging diabetic si baby. So, merienda ko po dati cucumber at carrots. Fruits po, medyo iwas sa matatamis at higit sa lahat rice. ;)

Ako noon mamsh, pinagdiet din kasi sa loob ng 1 month eh 3 kls tinaas ng timbang ko. Nagbrown rice na lang ako and umiwas sa matatamis. Pag nataong gusto ko ng matamis, tumitikim lang ako, para di ko naman madeprive sarili ko.

wala nman po ako kinkain n mtamis maliban sa milk, kraniwang kinkain ko lng po bread and rice😭

Napaka hirap magdiet sis. Kahit gusto mo na pero parang ayaw ng bata sa tyan mo. Maliit sipit sipitan ko kaya need din diet pero napakahirap talaga. Ify sissss :'(

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles