Living with your in laws?

Hi, pa vent out po 😥 6 months na po ung baby namin, nakatira po kami sa bahay ng hubby ko napapansin ko lang po na palagi po kaming pinagmamadali ng baby ko may lakad man po sya or wala, palagi pong maagang pinapaliguan sakin ang baby ko ang gusto ko po sana 7:30 am man lang po para po mapa arawan pa hindi naman po ako maka angal kasi sasabihan po nila ako ng tinatamad lang kaya po sunod sunuran nalang po ako sa gusto nila. Yung sa pagpapakain naman po kay baby ang agap din po. Minsan po 6am pinapakain n then 10am po ang lunch nya then ung dinner po is 4pm. Paiba iba po ang routine ng pagkain ng baby ko depende po sa gusto nila. Nahihirapan na po ako makisama mga mommies 😭mahirap din po sila paliwanagan kasi palagi nilang iniisip na sila lagi ang tama. Then gusto nila cerelac nalang ipakain sa baby ko 😭di ko po masabi ang gusto ko kasi minamasama lang nila. Kahit anong advice po tatanggapin ko maraming salamat po. Wala lang ako mapagsabihan ng sama ng loob :-( Itinago ko nalang po ang pangalan ko baka po may kakilala sila dito. Salamat mga Mommies 🙁

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Bumukod Kayo sis. If Hindi pa kaya. Uwi k sa Inyo.. hayaan mo si partner n gumawa Ng way.. the more n may sinasandalan Kayo lalong Hindi siya mappressure n gumawa Ng paraan ska diskarte sa buhay. Un Po Kasi dapat una pinag uusapan Ng mag partner. Paano makakabukod.. Hindi totoo n pag tumira k sa in-laws makkaa ipon Kayo sis. Madalas Hindi.. Kasi mgging kampante n sila n may maasahan sila pag nagkataon n magipit. Kaya be assertive Kung ano gusto mo.

Magbasa pa