Why now???

Pa-rant po,gusto ko lang po maglabas ng saloobin. Malaking part po sa akin na nagsisisi na nabuntis ako,graduating student po sana ako ngayong year na to. Ramdam ko po sa sarili ko na di pa tlga ako ready maging mommy. Di ko maiwasan sisihin ang sarili ko,sana nag-ingat ako. Naiinis ako sa sarili ko kasi bakit ngayon pa ko nabuntis. Sana pala nag-focus nalang ako sa sarili ko noon. Di nman po ako galit kay Baby,since nung nalaman ko na buntis ako minahal ko na sya. Wala akong balak ipalaglag sya or kung ano pa man. Mahirap i-explain pero naiinis tlga ako sa sitwasyon ko ngayon.

39 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din ako mommy, pero sa work naman. Pipirma nalang sana ako ng new contract for supervisory level na sana ako that time pero nabuntis ako kaya di natuloy since naging maselan pa pagbubuntis ko, need ko mag resign. Everyday naiinis ako sa sarili ko though gusto ko na magka baby pero parang naging wrong timing kasi antagal ko hinintay yung promotion na yun. Iniiyak ko lagi yun kasi nanghihinayang ako pero nung magkaroon ng issue doon sa branch na hahawakan ko sana doon ko na-realize na kung natuloy ako dun, baka ako ang napahamak. God has his ways talaga to protect us, di man natin naiintindihan sa ngayon pero soon magugulat nalang tayo na "Ah, yun pala ang dahilan kaya pinospone ni Lord yung gusto ko." Ituloy mo nalang uli mag aral my after giving birth at recovered kna. Mas pursigido ka pa this time kasi may reason na kung para kanino ang mga pagsisikap mo. ❤️

Magbasa pa

you can do it mommy! same tayo situation last year 2022, nabuntis din ako graduating sa college pero tinuloy ko pa rin hindi ko na nga sinabi sa profs ko e kasi online class din that time although pumupunta punta sa school at nagpractice ng graduation pero di pa masyadong halata ang tiyan ko, nililiit ko pa tapos naninigas tiyan ko kasi bawal matagal nakatayo o nakaupo kaso no choice 😅 tas ilang weeks tsaka lang biglang laki si baby. anyway, kung keri mo ituloy and pwede sa school go lang. ako non todo overthink ano masasabi ng iba, dahil nag aaral pa ko , kahit tamang age na rin. parents ko nadisappoint kasi expecting na makakatulong ako pagkagraduate pero tinanggap pa rin naman nila ako. paglabas ni baby, wala na lahat yung takot na majudge kasi magffocus kana lang mag alaga kay baby, di rin ako ready noon pero time heals. kayang kaya mo yan miii sending hugs!! 😘

Magbasa pa

Hi, got pregnant before my graduation and i dont have any idea na pregnant na pala ako nun, im a consistent honor student since grade school up until college. I graduated with flying honors but the moment my family knew na buntis ako konti nalang itakwil nila ako pandirian bcoz they knew me as a perfect daughter. Same tayo diko maiwasan sisihin ung sarili ko, pero the moment na i forgive myself from all the mistakes and decisions i have made. That was the moment i gave myself a room to accept, appreciate everything in my life.. Disappointment, defeat, and despair are the tools God uses to show us the way. Anjan na yan mi wala kana magagawa, just face the consequences. Well what is done cannot be undone, we all make mistakes, so just put it behind you. You should regret your mistakes and learn from them, but never carry them forward into the future with you.

Magbasa pa

Hello po! Minsan po may mga pangyayari talaga na hindi natin inaasahan. Pero acceptance lang po at ibahin natin mindset natin dahil may baby na involve. Dati din po nabuntis ako nung nag aaral ako at college ako non, 19 yr old. Hiyang hiya ako sa parents ko sabi ko, magstop at magwork nalang ako. Pero they insisted. Sila pa nagsabi na ituloy ko lang ang pag aaral at magpaalam ako ng maayos sa mga prof ko na kung pwede umabsent pag malapit na ako manganak at pahinga ng 1 month after manganak then pasok na ulit sa school. God is good. Napayagan ako lahat ng prof ko. Yung iba knuha ko pang ninang 😊 Ngayon, 10 yrs old na yung anak ko and nakapagtapos ako ng college and now professional na 😊 Laking tulong pag may pinag aralan ka at may mai-provide ka pra sa anak mo.. kaya ituloy mo lang school mo. Para din yan sayo at sa baby mo. God bless you both!

Magbasa pa

hello po relate em,graduating student din ako ngayon tas nabuntis ako sobrang laking pagsisisi sa pakiramdam pero hindi dahil don di na gugustuhin si baby,una ko ngang beses na nalaman yon inisip ko agad kung magiging mabuti bako dito kase ako mismo sarili ko diko maayos,pero pumapasok paden ako sa school kahit malaki ng tyan ko pero dahil nasa 7months nako school na mismo nagpapatigil muna saken magaral nasa 4th floor kase room namen and super nagaalala sila sa pag akyat panaog,tapos nagtatrabaho den ako para may pambili ng gamit ni baby ayoko kaseng iasa sa magulang ko ung kagagahang ginawa ko,gumigising ako ng pagkaaga aga para magtrabaho ng 3-5 hrs pagkatapos papasok sa school,kaya sobrang laking pagsisisi nararamdaman ko ngayon,ung tipong gabe² laging nagsosorry ke baby kase ngayon pa sya nabuo na hindi sigurado future nya,nakakalungkot

Magbasa pa

hi mommy I'm also a student right know and inaallow parin ako pumasok pero nung nalaman ko na maselan ako mag buntis I still continue studying graduating na po ako ng senior high and ayun na nga po medyo stress dahil nga po ilang buwan na lang at tapos na ko pero nalaman kong buntis ako may pag sisi din ako na hindi ako nag ingat pero habang lumalaki si baby sa tiyan ko at nararamdaman ko na yung pag sipa nya mas nagiging inspiration sya sakin na pwede pang bumawi next year at ituloy ang pag aaral. sabi nga nila studying is not a race kung madadapa ka bumangon Ka at mag patuloy parin. Yun lang mommy always keep positive dahil nararamdaman ni baby ang stress and sadness mo sa tuwing sisihin mo sarili mo embrace and ienjoy mo ang experience ng pregnancy journey mo😊🥰 sending loves and kisses 😘

Magbasa pa

hello mi. i can totally relate as i am also a college student, 3rd yr na sana kaso irreg lang. nung nabuntis na ako saka ko pa narealize na i have wasted so much time. halos hindi ko pa mapatawad sarili ko hanggang ngayon because i could have been a better person. hindi rin ako nagsisisi na nagkababy na ako, although sometimes naiiisip ko what if things were in a different way. pero naisip ko, if hindi ako nabuntis, marerealize ko ba mga pinanggagawa ko nun? haha parang naging starting point ko si baby for a new life. to start anew. siguro, forgiving ourselves will take time. but one thing is for sure: our lives isn't over yet. marami pa tayong magagawa, madedelay nga lang 😊

Magbasa pa

Always think na lahat ng bagay na nagyayari sa isang tao may dahilan si God, di nya ibibigay ang sitwasyon na yan kundi para sayo, meaning para sayo ang baby na yan, kahit sa tingin mo hindi pa oras dadating ang araw ma iraraos mo yan, at ma rerealize mo na mas ok parin na medyo bata pa nag ka baby kesa sa may edad na, pag edad mo ng konti malaki na anak mo, hindi din yan ibibigay sayo ng Diyos na hindi mo kakayanin, bilang babae responsible tayo sa bawat katawan natin kung mabubuntis tayo or ndi, kaya yan responsibility na binigay sayo alam ni God na kaya mo, kaya be strong and be responsible kasi magiging mother kana, kaya mo yan. Always pray to God for Help and Guidance a

Magbasa pa

Be kind to yourself, mommy. Nandyan ka na nagkamali ka, it's good na alam mo na ngayon. Pero nandyan na yan ngayon... allow yourself some time to feel bad, but sooner rather than later, you have to forgive yourself. We all make mistakes, and as long as we learn from that, then it will only make us a better person. It's unfortunate that we learn some lessons the hard way, pero ganon talaga. Forgive yourself and do better in the future. It's ok to grieve and feel sad about your situation but please take care of yourself. Naiintindihan kong napakahirap ng sitwasyon mo ngayon pero alam ko na kakayanin mo yan *Hugs!

Magbasa pa
2mo ago

Hindi ako ung author but I felt those words you’ve said. Napakagenuine and uplifting.

Hi Mommy, I got pregnant early like you din. Back then people are expecting me to graduate with flying colors as I am a consistent achiever so nainis din ako sa sarili ko that time. God moved mysteriously in my life that time and I haven’t finished my degree. However, I lift everything sa kanya and prayed all throughout my new journey as a new Mom. Plus one too na dapat may strong support system ka, pwede family, and friends. I am praying na sana mawala yung inis mo and you’ll look at the brighter side. You can also finish your studies once nandiyan na po si Baby mo. Cheers!

Magbasa pa