PAKIALAMERA
Pa-rant lang po guys wala akong ibang mapagsabihan kasi nakakahiya lang ng slight. So eto nga yon, yung kapatid ng partner ko na middle-aged spinster na walang experience sa pag-aalaga ng newborn sobrang epal masyadong pakialamera, it's been more than a week since I gave birth to my daughter. Parang lahat ng gusto kong klaseng pagaalaga sa anak ko pinapapakialaman nya!!! Naiinis ako kasi eto ha, ultimo pagpapaligo sa baby ko pinapakialaman nya, na wag daw paliguan baka daw sipunin, eh nurse at doktor na nga nagsabe paliguan ang baby jusko ang baho na ng singaw ng baby ko ngayon dahil ilang araw na walang ligo at sinunod ko nalang para wala na silang makomento. Tapos ngayon lang pag gising ko, pati ba naman pagpapainom ng breastmilk ko pinapakialaman din nya, gusto nya sya masusunod kung ilang ML ng gatas ang ipapainom ko sa baby ko. Sabi ko sa kanya, yung baby ang kusang kumakalas sa feeding bottle or sa nipple ko pag busog na sya. Naradamadaman naman ng baby kung ayaw na nya o gusto pa uminom ng milk. Kinginaaaaaa! Sabe ba naman mas marunong pa daw ako sa sinuggest sa kanya ng doktor na 30ml per feeding. Ang sabe ko hindi naman pwedeng habang palaki ng palaki ang baby 30ml lang ang iinumin nyan every feeding. (FYI matakaw talaga baby ko.) Ayun nagalit sya, ang dami na sinabe. Nakakainis kasi mas gamay ko naman sariling kong anak kesa sa kanya. Ni hindi nga sya marunong magpaligo, at maglinis ng puwit ng baby tapos jusko ang daming sinabe at pinupuna. Gumawa kaya syang sarili nyang anak at yun ang pagpractisan nya kasi masyadong nagmamarunong mas wala namang alam. Sorry po, nakakagigil lang talaga kasi eh. Thanks sa mga may time magbasa.