121 Replies

Hala, sis okay ka lang ba? Alam mo ba sinasabi mo? Ok andun na tayo sa kabit ka. Pero pwde mo naman itama ang lahat eh. Dba mga mamshies na, andito?? Itama mo pagkakamali mo kasi nagkamali ka na nga gagawa ka pa ng isa pang mas malaking pag kakamali sis double Karma yan pag gnyan. Alm mo mainam mo gawin? Hiwalayan mo na lang ung kinabitan mo buhayin mo anak mo wag ka na mag pakita sa nakabuntis sayo. Malay mo yang anak mo maging isang napakalaking swerte na mag aangat sa buhay nyo.

Hay naku.. Kung pwede lang sana ipasa ang matris at pregnancy thru file sharing. Ipapa-share it ko talaga yang dinadala mo papunta sa akin at ng mawalan ka na ng problema sa buhay. Kasi nakakahiya naman sayo ineng. You are very blessed yet you cannot see that. All you can see is the result of your wrongdoings, not the precious thing that God has gifted you with INSPITE OF YOU COMMITTING THAT HORRID MISTAKE. Magpaka-mature ka naman for once in your life!

Kung ano man mali mo or kung feeling mo nabuo si baby dahil sa kasalanan. Wala parin kasalanan ang anak mo para ipa-abort. Minsan nakakagawa tayo ng mali pero please wag mo na dagdagan pa pagkakamali mo. Sana kalabitin ka man lng ng konsensya mo. Kung di man nakonsensya sa kapwa mo babae dahil sa pagiging kabit, sana naman makonsensya ka para sa anak mo. Nasikmura mo maging kabit pero wala kang tapang panindigan anak mo. Pakurot nga sa singit mo, isa lang.

Kabit din ako momshie , nko ipinaglaban ko tlga c baby gusto ipa abort ni bf nung 1st month , inom daw ako gamot .... No No No Never .... Pangarap ko to tas ipapaabort ko... Cute cute kaya ng mga baby .... Tas ngyun sasabihan ako ni bf na ginusto ko daw magka baby kc di ko pina abort .... Kahit kaninong palda pa cya magtago hahanapin ko cya para mag sustento ..... Hnd man ako naging asawa eh magiging ina naman na ako ....

Isa din po ako sa matatawag na kabit kasi hindi pa sila annul ng asawa nuya nung naging kami.. 2 months na kami nagsasama ng malaman ko na kasal siya pero hiwalay na sila not legally.. kahit na kabit ako swerte ko parin kasi alam ko na ako lng yung babae sa buhay niya ngayun at sa akin palang siya magkakaanak.. kung anu man maging consequences ng pagsasama namin gagawin namin lahat maging maayos lng si baby..

Ang daming gusto magkaanak pero di sila biniyayaan ikaw binigyan ni Lord ng gift kasi alam nya one day magiging one of the greatest mother ka para sa baby. Isipin mo naman iyong buhay na itatapon mo ng ganon ganon lang. Wala syang kamalay malay sa ginawa mo then idadamay mo sya. Baka one day kapag gusto mo na magkaanak eh di kana bigyan kasi baka ganon ulit gawin mo. 🙄

Sus papa abort? Solution ba yun? May kilala akong nagpa abort dati hanggang ngayon di pa rin nagkaka baby kahit gusto na niya. Wag ko sayangin yung blessing. Daming couple gusto magka anak tapos ikaw ipapa abort mo lang?! Kasalanan ba ng baby yun? Lumandi ka kaya panindigan mo yan! Nagkamali kana dati kaya wag muna dagdagan pa. Wag selfish uy!

VIP Member

alam mo te swerte ka mag kakaanak ka ung iba jan gustong gusto mag kaanak, tas ikaw papalaglag mo lang , dapat bago ka nakipag relasyon inisip mo muna kung may sabit. tignan mo ngaun pati batang walang kamuwang muwang madadamay sa kalandian mo. sinasabi ko lang yan kc naawa ako sa bata sna naman ituloy mo yan kawawa naman.

Awts. Naging kabit din ako. Pero wala na sila ng asawa niya nung naging kami. Pero since babaero siya at pinili niya ulit ung bago niya kahit pa nalaman niyang buntis ako. Never ko naisip ipalaglag tong bata. I maybe stupid having an affair to a married man but i will never kill my own child.

Mas masakit pag may bago na sis. Pero kung ung tatay naman ng baby mo is consistent naman sayo sis wag kna magworry. Sa akin kasi pagkalaman nea nanlamig na siya agad. Un pala my bago na. Wala din pakialam parents nea kahit alam nlang preggy ako

Kawawa po ang anak ninyo .Maawa nman po kayo di po kasalanan ng anak niyo po ang kalagayan niyo.Kung ayaw niyo kay baby ipanganak niyo po siya ng maayos at ipaampon niyo nlng .Kesa kitlin niyo po ang buhay na walang kamuwang muwang.Sana po magkaroon po kayo ng takot sa Diyos bago niyo po gawin ang ganyang desisyon 😭😭😭

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles