Pagsuka ng Infant

Normal po ba ang pagsusuka ng baby? Si Lo ko po madalas e nagsusuka. Naka 9-10x na po sya nagsuka simula nung pinanganak sya. Nagstart po sya magsuka nung bago sya mag 2months. Hindi po sya lungad mga mamsh kasi may force po and medyo marami. Naka sidelying position po kami mag BF ni Lo. Pure BF po kami. After naman nya sumuka, kahit sobrang dami nya naisusuka e masigla naman po sya. Madalas rin para syang nasusuka na di natutuloy, parang nalulumod nya. Wala naman po lagnat or anything, nagkasipon at halak minsan tapos inuubo rin kaso di po panay ubo. Nawawala naman po kapag napapaarawan, Mostly parang nasasamid sya sa laway nya kasi lagi sya naglalaway e. Normal lang ba yun mga mamsh? Mag 3 months pa lang po si Lo this September 30

Pagsuka ng Infant
8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Baka kaya nalulunod si baby mo kasi malakas ang gatas mo. Ganyan ang baby ko, kapag naka side lying kmi numg bago sya mag 2mos, grabe ang lungad nya na overfeed kasi gusto lang dede ng dede tapos malakas ang gatas ko kaya di inadvise sakin ang side lying kahit CS ako. Pero kung may force na yung suka nya gaya ng sabi mo, better to see your pedia. Mahirap kasi baka may ibang cause ang pagsusuka ng baby. Mas maganda maagapan

Magbasa pa