Paninigas ng tiyan at 33 weeks
Normal lang ba? Hindi naman masakit pero na babother lang po kasi ako. Halos every 5 minutes po kasi paninigas nya pero nawawala naman agad tapos bumabalik din. Wala naman akong discharge or kahit ano. Mangga lang na hilaw kinain ko at macaroni salad today aside sa rice at ulam. Pasagot naman please

Braxton Hicks lang po yan momsh. Priniprepare tayo ng katawan natin for labor. Usually, nagsisimula yan maranasan sa 2nd trimester palang. Pero yung iba sa 3rd trimester na. May mga iba din namang hindi nakakaranas. I felt my first braxton hicks when I was 16 weeks pregnant. Napraning din ako, pero nung nalaman ko na kung ano talaga yun panatag na ako ngayon. Usually ang nagti-trigger nyan is orgasm, and full bladder. Pero nawawala yan (in my case) pag umiinom ako ng tubig. Stay hydrated lang talaga. 😊 Hope this helps momsh.
Magbasa pa


