ano ba meron?
hello nga momshies. share ko lang yung nangyayare sa buhay namin araw araw. so ayun na nga, andito kami ngayon sa bahay ng parents ko syempre kasama mag ama ko at 10weeks preggy ako now. sa tinagal namin dito simula nung january siguro hanggang ngayon eh normal lang naman buhay namin. may hindi lang ako maintindihan sa asawa ko. ewan kung ako lang ba nakakapansin sa ginagawa nya o sya di nya alam na ginagawa nya yung nakikita ko sa kanya (sorry sana magets nyo). ayun na nga, bale ang lugar lang namin dito eh yung sa kwarto ko dati, tas may katabing kwarto na walang pinto tanging kurtina lang. kwarto yun ng babae at lalaki kong kapatid. nung nakaraan ko pa kasi napapansin sa asawa ko na kada lalabas at papasok sya ng kwarto namin eh susulyap sya sa kabilang kwarto. ganon paulit ulit lang sa araw araw. tapos kapag pabiro ko naman syang sasahihan na "kada talaga lalabas pasok ka di ka pwedeng di ka titingin don eh no?" parang minamasama nya na "sus ano naman masama parang tumitingin lang?" sa isip isip ko wag ko nalang pansinin, pero mahirap na hindi eh nakakabaliw. mapapatanong ka nalang sa sarili mo na bakit ako di mo ko ganyan tignan? may times pa kasi na kada nasa sala sila parehas hinuhuli ko talaga paningin nya and di naman ako nagkakamali, confirmed nga. tas eto pa, kaninang tanghalian nasa sala kami ng kapatid ko lumabas sya ng kwarto at yung kapatid ko eh nagsasandok ng kanin nakatayo. tama ba yung ang laki ng space ng daanan mo tas didikitan mo yung nakatabi? hays gusto ko sana komprontahin asawa ko kaso natatakot ako baka eto pa pagmulan ng away namin. βΉοΈ thankyou sa pagtyagang magbasa mga mommies! yoko sanang mastress kada makikita ko yung ganon. di ko maiwasan ? thankyouuu.