ipon
Nasstress po ako mag 5 months na ako and mga 50k pa lang ipon nakin ng partner ko. Nakakainis lang na porket mas malaki sahod ko, masyado siya kampante :( 13th month lang po binigay niya. Ang sahod niya po 20k lang. Kung tutuusin madami ako binabayaran tapos ganito na lang. Ako po halos nag iipon lang at nagtitipid :( nakakawalang gana lang. Alam kasi niya malaki kinikita ko. Ang goal namin is to save at least 200k bago magpanganak kasi di lang naman panganganak ko paggagastusan. Syempre pati paglabas nung baby. Yung SSS ko 70k, ilalagay ko lahat sa time deposit and investments para sa baby. Tas naghahanap na ako extra job kahit paminsan nakaka 40-70k ako per cut off kasi kulang po talaga pero parang wala lang sakanya. :( Dami ko po binabayaran, nasa 25k din kasa buwan. :( Edit: hibdi lang po panganganak pinoproblema ko. RENT namin every month.. bills. Gamit ng baby. Mga lab ko, gamot, etc. Di rin ako nagrereklamo na mas malaki sahod ko. Nakalagay naman sa taas na sana nag eeffort siya. Nagbibili lang po siya ng mga laruan niya na 5k to 10k isa. Sino di matutuwa. Sorry ah pero may anon na tanga dito. Di lang basta basta UTI ko. Since 2017 pa po yun after ng herpes ko. May dugo po lagi ihi ko. Kutob po is kidney stones and emergency yun pwede makaapekto sa baby kaya sabi ng OB ko mag pamonitor na ako dun sa hospital kasi nirefer na niya ako sa kidney specialist. At need every two weeks nagtetest kami ng partner ko to make sure na walang HPV or STD kasi prone na ako sa ganun dahil nga sa herpes. Kaya don't suggest centers, barangay or public.
Same tayo sis. 9 mos na tiyan ko. Manganganak nako anytime soon. Dapat mag iipon kami ng lip ko kaso mdami kaming gastos. 30k to 32k ang sahod namin pag pinagsama ng 1 month. Pero ang naipon palang namin ay nasa 67k. 60k to 90k ang normal delivery sa pag papa anakan ko as per my ob. Madami din kaming bayarin. Pero dito kami nakatira sa parents ko. So hati kami sa bill ng meralco which is un lang ang gastos namin sa bahay. Libre na kami sa lahat. Ang binabayaran lang namin ay ang globe plan ko at ung phone niya na naka home credit. Maluho kami lalo na ako. Isang anak lang ako so sanay talaga ako sa luho. Sa mall kami bumili ng gamit ng anak namin. Ung sahod niya nauubos sa pagkain namin sa mamahaling resto. Pa minsan minsan bumibili pa rin kami ng mga hindi namin kailngan. Oo mahal ang mga lab test kada check up ko 1k agad. Vitamins ko pa. Minsan pa bumibili pa si hubby ng gamot niya pansarili. Mas malaki sahod ko sa lip ko pero never ko siya sinisi na maliit sahod niya. Siguro kaya ka ganyan kasi maluho ka sa katawan mo, aminin mo yan. Kasi ganyan rin ako eh. Kapag aalis kami mag mo-mall kami ksama namin parents ko naka sasakyan kami. Were not even paying kahit piso man lang para sa parking or sa gas. Pag wala sila nag ggrab kami. Pag kakain kami sa labas gastos lahat ng parents namin but still nahihirapan pa rin kami magipon. Kasi nga magastos kami. Baka ganon ka rin sis. Hehehehe
Magbasa paAlam mo, gets na gets ng mga reader ang post mo, na ang partner mo hindi nagcocontribute sa ipon. Pero hindi mo masisisi kung ang dating ng post mo ay nagyayabang. Wag mong masyadong maliitin ang mga kausap mo at wag kang masyadong feeling superior and misunderstood kasi sa totoo lang, reklamador ka talaga sa income mo. Kesyo nag iinvest, kesyo bayad neto, kesyo bayad nito. Girl, lahat tayo may binabayaran. It will all ultimately depend on your ability to manage your finances. Nabasa ko lahat ng replies mo. Wala talagang kakampi sayo kasi HINDI KULANG ANG PERA NIO, kahit bali baliktarin mo ang mundo, kasya ang income nyo. Wag ka masyadong magbilang kasi if it were the other way around, like mas malaki ang kita ng partner mo sayo, im sure hindi mo din gugustuhin na bilangan ka nya. At wag mong tatawaging "toxic filipini culture" ang hindi pagkakaroon ng ipon dahil hindi lahat sapat ang kinikita para magka ipon. Marami ka pang dapat matutunan sa buhay at nag uumpisa ka palang. Kita mo nga, ikaw sa "laki" ng kinikita mo, hindi ka makapag ipon. Pero meron dyan mga minimum wage pero may ipon. Advice ko lang sayo, aral ka muna financial literacy bago mag invest invest kuno para di ka nag rereklamo sa pinupuntahan ng sweldo mo.
Magbasa paAno mayabang dun? It's true kasi professional po ang course ko. Amo mayabang dun? School ko is also top... Mga friend ko po na kakagrad lang sumasahod ng 140k no experience sa ibang bansa kasi dinala na sila dun ng school after grad. Well anon, i think you are just bitter kasi wala ka means.
We saved 20K for our baby's initial need such as crib, mga newborn na damit, baby bath tub, skincare ng baby (cetaphil). And hindi naman umabot ng 20K, I think 16K lang ang inabot. Yung ibang gamit like mga stroller and hoard ng diapers and wipes, etc laking bagay ang baby fair, tried to hoard ng good stocks for 6 months and I just spent 11K with stroller na yun. Sa panganganak dear, tama lang na 200K ang i-am nyo isave. CS ako nanganak, big thanks to philhealth nabawasan ng 19K bill namin, we ended up paying 85K nalang sa hospital. But it doesn't end there. May mga bakuna pa si baby and if private doctor mo sya papaturukan talagang mapapagastos ka. In my opinion, me and my husband contributes the same amount sa pagssave namin ng para kay baby. That's the best option. When my husband gives me 15K for our baby's savings, I'll give 15K too. Set your financial goals. Not only for your own needs and bills but lalo nat may baby na kayo.
Magbasa paButi may nakaintindi po :( yung iba po kasi na mommy, nagagalit na bat nagrereklamo pako. Ayoko lang po mabaon s autang. 200k talaga goal ko for delivery kasi di ko naman masasabi kung magkakasakit siya, kung mahahawa sa infection ko za UTI or sa herpes ko. Better na prepared.
50k is not enough kung nasa first or second trimester palang sya mga momsh. Every month bakuna sakin umaabot ng 2k sometimes 1500. Ung vitamins 40 pesos per pcs tapos 2-3x a day😅 palipat lipat n nga ng hospital dhil sa mga complication like uti biglaang sakit ng tyan kahit 3months palang. Ung emergency expenses kulang n kulang ang 50k. And ofcourse hindi lng nmn pansarili ang iisipin during this time. Mawawalan ng pera si family nya bigay. May emerg sa family ko bigay. Pang kuryente pang insurance nakaligtaan n ngang bigyan ung panganay ko. I totally get ur stress pero momsh konting pagsara p ng kamay god will provide ❤ im on my due na and how much ang pera namin mag asawa? It's only 70 pesos babawasan pa ng yosi 😂 tatawa n lng ako pag nakasurvive 😂😂😂 wala rin kaseng natulong samin kmi lng dalawa 😂
Magbasa paBakit anonymous? Haha worth it lahat ng sacrifices natin im sure of that. Mas makakatulog tayo ng mahimbing pag wala tayong inabalang ibang tao dahil sa pagbubuntis natin. And lets just be thankful na tayo ung nakakapagbigay instead na tayo ang binibigyan.
Hi mommy, ang swerte nyo po ng partner mo 20K sahod nya and mas malaki pala sahod mo tapos nay ipon na kayo na 50K. Marami dito manganganak na wala pa din sapat na pera. I gave birth po and paid 67K,private hospital din doctors tho sa province kami, dito laguna. Baka pede din po kayo pili ng private hospital or discuss with your OB if may package sya. I understand na you want to give the best for baby,pero pede muna po kayo magorioritize like for now, ung panganganak muna na gastos later na un investment/insurance for baby. Honestly, may ipon din kami more than the hospital bill and expenses. Binalak ko din ikuha sya ng life insurance right after ipanganak pero mas malaki ang gastos ni baby nun lumabas sya kasi may mga expenses for the baby na hindi naman kasama sa budget na inipon for panganganak. :)
Magbasa paKaya nga po nasstress ako eh and I need to go back to school agad agad :( di pa kasi alam ng parents ko. Kaya sinasave ko po talaga lahat. Sa SSS one yr ko lalagay sa time deposit yun para di namin magastos kung saan saan. Huhuhu sa OB ko po kasi 50k - 100k po. Which is ok naman pero ang problem dapat may emergency money. Iba kasi kinalakihan ng partner ko. Di ko nama. Po siya dinodown pwro po kasi hindi siya lumaki ng tulad ko na nabigay lahat. Gusto ko lang higitan yun kaso di pako graduate :(
Ganyan din ako dati sa partner ko.. naiinis kasi kulang ung padala nya monthly para samin ng LO ko.. kami nga, wala ipon as in zero, to think na 37weeks na ko pede nang manganak anytime..😅 samin kasi dalawa, si hubby lang ang nagwowork sa ngaun since pareho kami OFW at hindi na muna ako nakabalik abroad.. Pero instead na mainis, magalit, mastress pa kay hubby i asked for my Mom's help this time.. me and my partner talked about it too na babayaran nlng namin si mama after manganak.. and ako na ung naghanap at naginsist na sa ibang hospital manganak para makatipid kami.. Wala naman po sa kung sino ung mas kumikita ng malaki or yung mas nagiipon para kay LO.. pede naman po makatipid kung ggustuhin.. at lahat din po napaguusapan ng mag partner..
Magbasa paAng hirap naman ng sitwasyon mo momshie.. kung puro sa games lang pinagka2gastusan ng partner mo, better iwanan mo na kesa mastress ka, nkakasama kay baby ang stress.. then kausapin mo parents mo, i know they would understand and ask for assistance nlng din.. wala naman cguro magulang ang makakatiis sa anak..
Mag usap kayo momsh mag adawa momsh. Money isn't that issue in the first place. Naiintindihan ko na prang pakiramdam mo unfair pero para sakinct ito ang natutunan ko imbis hanapan mo sy ng buts bakit hindi mo n png unawain. Ako gnym ko sa bf dti. Lagi ko hinahanapan ng pera or lagi ako nag bibilang kase wla akong work. And nakaka buryongckapag wla akong hawak na pera.. which is wrong and ampanget nmn na mabubuhay kayo sa puro pera lng ang naiisip nyo.. maswerte ka na lang dahil may ipkn kang 50k. Kami wla tlga at all. Puro pa kamo kami utang. Kaliwat kanan ang utang namin mag asawa. Buti kahit papaano nagawan nya ng paraan.kya natituwa din ako sa knya kc hindi nya ko pinag iisip about sa pera.
Magbasa paAsa lifestlye lang yan. Imbes na maapreciate mo yung nabibigay niya reklamo ka pa ng reklamo. Sayo na nnggaling mas malki sinsahod mo, hindi purket siya lalake eh siya n dapat malaki magbigay. That's the problem of our society today, puro reklamo. Puro expectations, kung sino may malaking kinikita yun ang tumulong ng malaki. My ghad ate malaki na yang hawak mo, ikumpara mo nalang sa walang wala talaga. Just think about your baby kesa na iistress ka na wala hindi naman kastress stress. And your issues should be communicated directly sa partner mo hindi daoat shinishare yung gantong bagay sa social media kasi hindi naman maaayos problema mo dito.
Magbasa paAng dami mong sinasabi, my point is. Wag ka dito mag rant ng ganyan kausapin mo partner mo. May magagawa ba kami sa situation niyo? Grow up, magiging mommy ka na. Learn the art of communication. Kung hindi maayos then make a decision on your end. In the first place kung ayaw mo pala ng ganyang partner edi sana hindi ka nagpa buntis. Stop stressing yourself, hindi ikaw kawawa yung baby mo.
Wag ka masyado magpakastress dahil pag labas nyan masmahirapan ka. Ksi pwede sya magkasakit kakaintindi mo ng stress. Believe me ganyan ang nangyari sakin nun last year nagbuntis ako ng maselan at after ko manganak si baby nagkasakit 5:30pm pinanganak un baby the nx day at 3pm namatay ang baby ko. Better pagipunan mo nalang yan panganganak mo kc everything can change pag andyan na sya. Tsaka di lang rin ikaw nakakaranas ng stress, if you made a research pati sila nastress masmatindi pa. Kc u can breastfeed pagdating ng bata at mas maganda benifit sa kanya nun makakatipid ka pa. Think of the baby.. wag ka magpastress
Magbasa pa5mos na din tummy ko... sad to say wala kaming ipon.. 😭 Asa lang kami sa loan... and husband ko lang ang nagtatrabho.. sa totoo lang sobrang iniisip ko ung panganganak ko..pero at the end,iniisip ko na lng God will provide..pagkakasayhin ni Lord kung magkano man makuha nmin sa salary loan..CS pa ako :( Sweldo ng asawa ko is hnd man lang umaabot ng 8k isang kinsenas... Nagbabayad pa kami ng bahay thru Pagibig, then bills pa.. at may isa pa kaming anak 10years old.. Kaya diba isipin mo na lang na nag swerte mo pa rin sa point na yan kasi you have the options and choice para makaipon.
Magbasa pa😢😢