sobrang pagkahilo
nasa robinson po ako kanina ng bigla akong nakaramdam ng sobrang pagkahilo tapos nagdilim po yung paningin ko. una binalewala ko lng po kasi akala ko d magtatagal pero grabe ang tagal pong magliwanag ulit yung paningin ko kaya kahit kami na po yung next sa counter sinabi ko po sa mister ko na parang mahihimatay ako so ayun po nataranta sya then hanggang paglabas nmin ng robinson nag didilim parin paningin ko tapos unti unti ng lumiliwanag paningin ko. normal lng po kaya ito? may nakaranas na po ba sa inyo nito? mag 14weeks pregnant na po ako. TIA. Godbless us.

Naranasan ko yan nung nag simba kami ng family ko kasama bf ko. Sa may hagdanan kami banda naka pwesto. Di kami pwde Umupo doon. May dala akong tubig na maraming yelo. Yakap2x ko un tapos pinapaypayan ako ng bf ko. Nung yumuko ako, pag angat ko ng ulo ko parang lumalabo paningin ko. Mga 1min kong naramdaman un tapos snabi ko sa bf ko na lalabas muna kami. Tapos sabi ko "nahihilo ako" sabi nya "namumutla ka na" ayon dinala nya ko sa konti ang tao. Medyo umokay naman. Tapos mga 3mins nakalipas may nilabas sa simbahan na nahimatay. Umupo ako sa may hagdan ng simbahan tapos pinakain nya ako ng skyflakes at pna inom ng tubig na malamig saka kumain ng candy. Hanggang umaga ko naramdaman ung pagkahilo. Kailangan ko pang sumuka para lang mawala hilo ko. Kahit hanggang ngayon pag nasa mainit na lugar ako nakakaramdam ako ng pagkahilo saka parang nasusuka.
Magbasa pa



Teacher Mommy