Toxic Family

Nasa iisang bubong lang kami ng pamilya ko at parents ko. Di ba dapat masaya nalang dahil ayaw ng magulang ko na lumayo kami dahil sa mga bata. Pero lagi nalang may alitan. Mabigat yung aura ng bahay kapag kompleto kami. Lahat nagbabantayan. Lahat ng kilos may puna. Ako lagi ang nasa gitna pero para sa asawa ko at sa magulang ko may kinakampihan ako sa kanila. Naranasan nyo na ba to? Pag magisa nalang ako wala nakong ibang ginawa kundi magdasal na sana matapos na at maging masaya nalang. Pag wala ang asawa ko at nasa trabaho, tahimik kaming lahat. Pag umalis kami ng asawa ko masaya naman din kami. Pero pag lahat magkakasama ang bigat. Dahil sa huling naging away nila. May sakit kasi ang asawa ko at may inutos ang papa ko. Tumanggi sya ng maayos at nagsabi na kung pwede sa susunod nalang muna dahil masama talaga ang pakiramdam nya. Nangungulit si papa hanggang sa dumating si mama na nanumbat na ng lahat lahat. Na walang kwenta, walang pakinabang at kung ano ano pa. Napikon yung asawa ko at nakapagmura. Ayun hanggang ngayon magkakagalit sila. Para sakin pareho silang may mali. Wala akong kinampihan. Any advice? Ayaw nilang bumukod kami dahil syempre isasama namin ang mga bata.

34 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Okay naman pag kasama ang fam pero mas okay talaga pag bumukod once na may sarili ng pamilya, hirAp kase pag ganyan wala kang sariling galaw at desisyon.

LEAVE AND CLEAVE mas sasaya ang buhay pagnakabukod kayo, visit na lng kamo mga apo nyo sa kanila once in a while..

Bumukod n lng kayo mommy.. Mhirap nakapisan. Bawat araw.. Laht desisyon.. Lagi my manghhimasok.. May masasabi.

Hindi advisable ang ganyan kahit sa bible nakalagay LEAVE AND CLEAVE. Bihira ang happy pag ganyan magkakasama.

Kapag pamilyado na, bumukod na. General rule 'yan. Ikaw kaya sa side ng mister mo tapos ganiyan?

Bukod na lang mumsh mas mainam kesa sa nakikita nung mga anak niyo yung ganyang alitan hndi maganda

Kawawa naman Mister mo. Dapat bumukod na kayo kasi baka yan yung maging rason ng paghiwalay niyo.

VIP Member

walang ibang solusyon kundi ang bumukod. dalawin na lang ng mga bata ang grand parents.

VIP Member

BUMUKOD lang sis ang solusyon dyan pag may asawa na dapat nakabukod na.

Kaya dapat bumukod pag may asawa na. Walang papanigan na side para fair