34 Replies

Walang kasing kasarap sa feeling ang bumukod yung malayo kayo sa parehong partido nyo. Super less stress. Di bale na ma stress sa bayarin sa hirap ng pag aalaga ng mga bata etc. Super nakakastress kasi ang ganyang sitwasyon wala ka dapat piliin pero feeling nila dapat meron.

Bumukod nalang momsh para sa peace of mind nyo pare pareho. Para kang nasa gitna ng dalawang nag uumpugang bato pag ganyan. May family kana, so irespeto nila kung gusto nyo ng bumukod. Mahirap talaga yan kahit parents mo mahirap pakisamahan kapag may sariling pamilya kana

Sis. May sarili kanang pamilya. Dapat alam mo sa sarili mo kung kanino ka dapat maninindigan. Ang magulang anjan lang yan.. sooner maintindihan din nila kung bakit kau bubukod.. sabhin mo na pwede nila dalawin apo nila. Ikaw din kapag nagsawa asawa mo sa kakaintindi

There will only be one king and one queen sa isang pamilya. Habang nakikitira kayo your partner will always feel deprived of this. Soon kayo na ang mag aaway. Don't let your kids grow up sa unhealthy environment.

Kasama sa sinumpaan nio pag kasal na kapag nag asawa na, buong puso nang tatanggapin na iiwanan na ang mga Magulang at bumuo na ng sariling Pamilya kasama ang asawa. Bukod lang ang solusyon dian momsh, wala ng iba pa.

Bumukod na lang kayo at makipag ayos ka sa magulang mo iparealize mo sa kanila na may mali din sila para kapag umalis na kayo sa puder ng magulang mo walang samaan ng loob. Nasa tamang gulang naman na siguro kayo

Eh bakit hindi pa kasi kayo bumukod? I mean, may sarili ka ng pamilya. Dapat kaya niyo manindigan ng kayo lang. Hindi yung lahat kayo magsisiksikan sa bahay niyo eh alam mo na ngang hindi okay ang lahat.

Reason kung bakit ayoko ng extended family sa iisang bahay. Huhu di tlga maiiwasan na magkaproblema. Bumukod nlng kayo mumsh. Kahit naman ayaw ng parents niyo, decision niyo parin masusunod.

Dapat kasi ngsasarili na kayo kapag may pamilya na. Hanggang andyan kayo sa kanila, may karapatan sila na sabihin lahat ng gusto nila. Pwede naman kayo bumisita, wag lang titira sa magulang

Siguro dapat kung anu desisyon ng asawa mo yun ang gawin ninyo? Baka eventually mapag simulan pa ng understanding ninyo mag asawa yan... makarinig ka pa na hindi mo siya kaya ipaglaban 😅

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles