Enlighten me

may napili na kaming perfect date ng partner ko para sa civil wedding namin. kaso sa april na yun mga mi parang wala pa ring balak or plano. hindi ko alam pero kasi may sakit ang papa nya kaya dun muna ang focus. pero hindi ko maintindihan sabi nya before kahit feb okay naman kami ikasal pero sa inaasta nya parang hindi sya excited or hindi nya tinutupad mga sinasabi nya. ayoko naman magmukhang tangang magtanong nang magtanong pero ako excited na ako at natingin tingin na rin ako ng mga bibilhin..hindi nya rin inoopen up tungkol dun pero ung ibang bagay naoopen up nya. enlighten me mga mii. natatakot ako umabot sa point na di na ako excited at pagod na ko. good thing ba to or sign sakin? bakit ganun. salamat sa mga sasagot 🥲 #pleasehelp #advicepls

4 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Skl, i was pregnant na nung magpapakasal na kame. Ako nag asikaso sa lahat since busy siya sa work at 1 hr away ang workplace niya. Hindi ko rin siya nakitaan ng excitement sa preparation, seminar, etc. Sa Civil wedding. A day before our wedding, magka chat kame. Naging emotional ako at dahil sa hormones kaya di ko inintindi what he was trying to say basta ang alam ko nahurt ako. Akala ko he was unsure. AKala ko aatras, Pero natuloy ang kasal namin. And guess what, after 5yrs of being together i can say he is my perfect partner and a wonderful tatay sa 3 naming anak. I think what I'm trying to say is, ang mga lalaki di naten parehas mag isip at mag process ng thoughts/feelings. Better if mapag uusapan nyo and don't take things too personal.

Magbasa pa

May sakit naman pala ang papa nya kaya din siguro di siya makapag isip ng maayos. Mahirap isabay yan lalo na kung may iba pa siyang isipin.. Maganda mag plano kung wala ng ibang iintindihin. To be honest with you dapat kasal ko na last year of September, medyo nagka aberya, handa na talaga lahat yung schedule at mga papel, invitation, give aways. Pinag pa sa diyos ko nalang at hinayaan ko muna. tapos this year nagpplano ulit kami. Tahimik kami nag pplano kase madaming kontra at inggetero at inggetera. Wag kang mapagod kase kaunting kembot nalang, ganyan siguro talaga pag ikakasal madaming kemerut na nangyayare.. Good Luck sayo 😊

Magbasa pa
11mo ago

Nakapag seminar na din kami nun ha! may mga damit na din..! may reception na din talagang ceremony nalang kulang.. siguro di pa kaloob ng diyos. Kaya ganon.

maganda siguro mi mag-usap kayo patungkol sa kasal niyo kasi big step yan sa relationship ninyo..mahirap naman sa side mo kung naiisip mo ikaw lang ang excited atleast alam mo rin ang side niya pero hanap ka ng maayos na oras para pag usapan ang mga bagay..at intindihin mo rin yong side niya since may problema din siyang hinaharap..pag nag-uusap na kayo maging open ka rin sa mga sasabihin niya para mas malawak yong pag-iintindi mo sa kanya

Magbasa pa
11mo ago

hindi naman siguro selfish mi kasi para din naman sa future ninyong dalawa yan..try mo lang maging pasensyoso at intindihin ang sitwasyon pero kailangan niyo din naman pag-usapan ang relationship ninyong dalawa kasi bandang dulo kayong dalawa lang din ang gagawa ng mga desisyon sa pagsasama ninyo 😊😊😊

VIP Member

much better pag mag usap kau ng masinsinan . like , gusto paba niya ituloy ang kasal o i postpone muna para makafocus sa papa niya .