Rant Lang.

Nakakasama lang ng loob yung lip ko, lagi kasi syang nagiinom matagal na sakanya ung 3 araw na di umiinom. Etong week na to halos gabi-gabi tapos kapag nagagalit ako umaalma sya na kesyo daw di sya nagkukulang sa sustento kaya parang wala akong pake kung magiinom sya. Pakiramdam ko mas importante saknya barkada kesa samin,buntis palang ako mag 8 months na ?. Tapos wala pa kaming sapat na ipon gusto nya pang unahin ung mga luho nya ? pagsinasabihan ko sya uwi sya ng 12 kase hindi ako nakakatulog pag wLa sya pero minsan uwi nya 3am meron pa nga 5am parang walang pakealam sa mararamdaman ko ?

26 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Thank you po sa mga comments nyo. Matagal na tong post ko nakapanganak na ko't lahat lahat. Mag 1 year old na din baby ko hehe. Gusto ko lang kau i update na nagbago naman na po sya since inuwi ko sya dto sa bahay ng mama ko. Nilayo ko sya sa mga barkada nya. Ngaun super dalang na sya mag inom. Mahirap pa ung isang beses sa isang linggo. Minsan po siguro mas okay na babae ang naguuwi sa asawa para maiwas sya sa mga barkada.

Magbasa pa