Rant Lang.

Nakakasama lang ng loob yung lip ko, lagi kasi syang nagiinom matagal na sakanya ung 3 araw na di umiinom. Etong week na to halos gabi-gabi tapos kapag nagagalit ako umaalma sya na kesyo daw di sya nagkukulang sa sustento kaya parang wala akong pake kung magiinom sya. Pakiramdam ko mas importante saknya barkada kesa samin,buntis palang ako mag 8 months na ?. Tapos wala pa kaming sapat na ipon gusto nya pang unahin ung mga luho nya ? pagsinasabihan ko sya uwi sya ng 12 kase hindi ako nakakatulog pag wLa sya pero minsan uwi nya 3am meron pa nga 5am parang walang pakealam sa mararamdaman ko ?

26 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Parehas po tayo mommy. Sakin din pag nanghihingi ako ng pera puro wla na dw syang pera pero pag nag iinom ay naku wlang limit kahit ilang case pa yan. Though sya naman nagpo provide sa mga needs ko pero d nga lng nagbibigay o nag iiwan ng pera buti pa sa bisyo nya. Pag nag iinom po partner ko parati po akong nkabantay sa kanya inaantay na matapos sila para d na mgdagdag pa. Umaabot hanggang 2 am. D nya inisip na bawal sa buntis magpuyat. Pero kelangan ko tlga sya bantayan ksi pag hindi, aabot na ng umaga hanggang silay matapos. D nagpapaawat sa bisyo nya. Sana mgbago sa paglabas ni baby. 8 months preggy na din po ako.

Magbasa pa