πŸ˜”πŸ˜”πŸ˜”πŸ˜”πŸ˜”

nakakapagod maging magulang ... nakaka stress... kung pwede lang ibalik ang panahon.. πŸ˜”

12 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Nakaka stress pero hindi dapat tayo sumuko. Mapapagod lang tayo pero hindi dapat natin pagsisihan ang pagiging isang Magulang. Ano po ba ang gusto mo ibalik? Ang panahon wala kang anak? Makakaya mo isipin maging buhay dalaga ulit? Wala sila sa piling mo? πŸ˜₯ Sorry mi hindi ko eto maisip kasi kung ako maibabalik ko ang panahon sana narealize ko nag anak sana ako ng mas maaga. Sana hindi ko pinakinggan mga magulang ko kasi 30s na ko ngayon e gusto ko sana higit pa sa dalawa lang ang anak ko. Sana dati ko pa sila naging anak nung nasa 20s pa ko.. Dahil hindi ko ipagpapalit sa sarap ng buhay dalaga sa kahit ano mabibili ko sa sarili ng wala ang mga anak ko..dahil sila ang pangarap ko.. Hindi ko eto maintindihan mommy nasasaktan ako isipin na ganyan iniisip mo sa sarili mo... Sana maisip mo din na sila ang buhay mo.. Mapapagod ka lang pero magulang ka hindi mo sila maipagpapalit sa kahit anong bagay dahil sila ang tunay na nagmamahal sayo.. Mahalin mo ang mga anak mo higit pa sa buhay mo..

Magbasa pa
4mo ago

hello mommy.. πŸ˜”πŸ˜”πŸ˜” you'll be more dissapointed if malaman mo na dumating pa ko sa point na "my husband and my 2 kids were the biggest mistake I ever did in my life" πŸ˜”πŸ˜”πŸ˜” I should stay single and never have them.. whats more? hindi nmn ako maaga nag asawa .. nasa 30's na ko.. I love my kids.. pero I think much better if hindi ako ang naging mommy nila.. I don't think I deserve them..

VIP Member

sobrang swerte mo po at naging mgulang ka. Naranasan mo magbuntis at magkaroon ng anak. Marami jan sa tagal tagal ng panahon hindi nabiyayaan khit na pinapangarap nilang maging isang ina. Mahirap po maging magulang dahil sa inyo nagsisimula ang pundasyon at katauhan ng isang bata pero sa dami ng pinagsisisihan mo mas marami ka padin dapat ipagpasalamat. Subukan mong yakapin ang buhay sa pamilya. Balang araw magiging maayos din ang lahat. Sana bago mo hilingin na ibalik sa dati ang panahon sana naisip mo din na maraming nagnanainis maging magulang at naghandang harapin lahat ng pagsubok para sa mga anak. Sabi nga po be careful what u wish for. baka isang araw magising ka wala na sau ang lahat. kaya keep on praying and keep on holding on walang poreber na paghihirap. Uusad din ang ginhawa

Magbasa pa
4mo ago

hello mommy .. I am trying namn.. I even bought books on parenting.. I love my kids pero I don't know but I still have this feeling ... I think I am not meant to be a mother.. before nun wala pa ko asawa at anak.. sabi ko bakit may mga taong nagagawang abondonahin mga anak nila? Hinusgahan ko sila.. now parang karma na eexperience ko ang ilan sa possible reasons nila...

It can be really stressful sometimes ang mag-alaga ng mga anak natin at minsan hindi natin maiwasan sabihin yung mga ganito. But, at the end of the day I know to myself that I am very blessed to have my little one kasi life may be far different without them but the feeling of joy and contentment is incomparable to that youth life. Pag nakikita ko yung anak ko all I want to become is to be a good mom and I never met someone who needs me like how my child needs me.

Magbasa pa
4mo ago

good for you mommy... your blessed and lucky na hindi map naeexperience ang nararamdaman ko..

Mahalin mo po ang mga anak mo mommy. Huwag ka pong magsawang alagaan at mahalin sila. Kailangan ka nila dapat pong magpakatatag para sakanila. Ganyan po talaga ang pagiging ina. Kailangan magsakripisyo para sa mga anak. Tiyaga at pagtitiis po talaga ang kailangan po nating gawin. Kaya nga po hindi basta basta ang pagiging ina lalo nat hindi pa po ready. Kaya mainam po mag family planning talaga.

Magbasa pa
4mo ago

hello mommy πŸ˜” alam mo naiinggit ako sa ibang mommy na nakikita ko even sa mga frends ko na they are really embracing motherhood.. ung kahit nhihirapan sila eh mas masaya pa din sila and proud sila... I hope I can be like that.. I don't know.. I'm trying..I even read and bought books about parenting.. pero hindi pa rin talaga mawala sakin itong ganitong feeling... hindi nmn sa i hate my kids.. I hate MYSELF and the person that I am now.. I feel I don't deserve to be a mom..

Wala po ako sa kinalalagyan nyo. 'di ko alam ang sitwasyon mo mommy, pero sana makita nyo po ang good side ng life being a mother. nahirapan po kami magbuntis ng asawa ko. kay nalulungkot po ako sa mga ganitong post. sobrang happy po namin na meron ng lumalaki sa tummy ko. kahit sobrang gastos po, mahirap pa ang buhay. maselan ako magbuntis, pero sobrang grateful po kami ni mister ko. β™₯️

Magbasa pa
4mo ago

'di po talaga mawawala yung mga trials sa life, kung pwede nga lang po talaga na burahin lahat ng negative things sa buhay. 'di din po lahat nabibigyan ng second chance. Pero lahat po ng bagay ay may dahilan. Sinusubukan ka lang ngayon, maging matatag ka mommy, panindigan na lang ang mga nangyayari. Malalampasan mo lahat ng problem mo.

TapFluencer

Cheer Up mamsh! Alam ko nakaka pagod at nakaka stress maging magulang pero it's a blessing just cherish every moment with your child. kung napapagod ka mag pahinga ka deserve mo din yun. Pag naging magulang ka talaga madaming sakripisyo ang gagawin natin para lang sa nga anak natin. pray ka lang din kay God. Fighting! πŸ’ͺπŸ’•

Magbasa pa
4mo ago

thank you mommy

VIP Member

hang on there mommy. pwede po usap tayo valid po nararamdaman mo. stressfull po talaga maging isang ina pero masaya naman at rewarding. maaring pagod ka today. usap po tayo if need mo kausap. may partner ka po ba? katulong sa bahay o kasama?

Gawin mo pong lakas ang mga anak mo. Huwag mo po iparamdam sakanila na pagkakamali sila. Hindi po nila pinili na mabuhay sa mundo bagkus ikaw ang nagdesisyon nito. Be cheerful po madam :) Kaya mo yan at makakabangon kadin

Blessing po ang mag ka bb momsh! hindi mo naranasan ang naranasan ko. 7 years waiting. nung binigyan na nang bb 2 mons lang siya nabuhay. sobrang sakit! kaya wag mag sawa para kay bb. ang pagod lilipas din. Pray lang po.

4mo ago

alam mo mommy I have friends na di pa rin nagkaka baby... and I always wish na mawala na ung pcos nila..sakin nalang mapunta.. because mas deserve nila...

Saan po ba naiistress c mommy? gusto mo po usap tayo. Para po ma relieve yung stress mo mommy. Baka po kailangan mo po ng makakausap handa po akong makinig at i'comfort ka.

4mo ago

thank u mommy