Pa rant

Nakakainis na minsan yung asawa ko. Lagi nalang syang nakadepende sa magulang nya. Buntis ako at need na namin ng pera pampacheck up next week pero inuuna pa nya yung mga di naman kailangan Umuwi sya ngayong sat sa taguig dahil nandon kapatid at papa nya. Nung gabing yon, pumunta sila sa makati para makiramay sa namatay nila na kamag anak. Ngayong sun, bumalik sila don para makiramay ulit. Sabi nya uuwi daw sya ng monday ng umaga dito para maasikaso na nya yung business nya at magkapera na. Pati kailangan ko din sya kase nagpapabili ako ng mga kailangan ko. Aba uuwi daw sya dito at babalik ulit doon dahi last night na daw. Jusq nagsasayang ng pamasahe ??‍♀️. At sabi din daw kase ng papa nya. Putek yan! Di ba sya pwede tumanggi? Sinabi ko yan sa kanya na bat di ka ba pwede tumanggi? Sabi nya tanong daw nya papa nya. Jusmiyo!!!! Iniinis ako imblis na ako yung unahin nya ??‍♀️. Pwede naman na isang beses lang sya makiramay, gusto tatlong araw doon. Kung wala namang kailangan gawin bat hindi diba? Gusto din ng tatay nya, kasama pa syang makiramay. Nakakayamot

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Okay lang sana Momsh kahit once lang mag visit. Kasi kailangan mo din makakasama. Itong asawa ko pinipigilan ko talaga buti naman sumusunod. Sabihan ko hirap magbuntis tapos iiwan ka mag isa. Kaya di na siya tutuloy kasi naawa. Pwera lang if may mga need ako ipabili.

6y ago

Yun nga eh. Masyadong masunurin sa magulang jusq 🤦🏻‍♀️. Maselan pa naman ako at kailangan ko talaga ng mauutusan. Di ko naman pwede utusan nanay ko kase pagod din yon. Naiinis na din ako sa magulang nya kase alam naman na buntis ako, tas dami pang inuutos sa asawa ko. Nagtitimpi nalang talaga ako kase ayoko ipakita s asawa ko na naiinis ako sa magulang nya