TAMA BANG MAINIS AT MAGALIT AKO?

Naka centralized aircon ang bahay namin at 4 months akong pregnant. Yung kuya ko kahit may aircon nagyoyosi sa loob ng bahay namin at nagpipintura pa minsan. Hindi ko alam kung nasan ang utak non. Masama ba na magreklamo ako? Di talaga ako makahinga sa amoy, isa pa sobrang worry ako dahil alam ko ang risk nung chemical na nasisinghot para sa anak ko na pinagbubuntis. Nagreklamo ako sa mama ko pero sya pa ang nagalit sakin. Sobrang nawoworry ako para sa kalusugan ng anak ko . Iniisip ko lagi na baka maapektuhan o magkadefect ang anak ko. Naiiyak ako kasi kahit ang alaga ko sa katawan para sa anak ko pero wala akong magawa para maproteksyunan sya para sa walang konsiderasyon kong kapatid at nanay ??

31 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Buntis or hindi... masama ang 2nd hand smoke. Kung ilang stick/packs ng sigarilyo ang ginagamit nya.. para ka na dn nag smoke ng ganon kadami. Hindi lang nakaka cause ng miscarriage and cigarrette smoke also copd. Pati mama mo prone magkaroon ng copd. Find ways na makaiwas sa smoke. Better ikaw ang magkusa bumukod? Paano na lang pag nanganak ka na? Mag smoke pa din cya?

Magbasa pa