Ano'ng huli mong kakainin bago ka manganak?

Naisip mo na ba? Siyempre hindi natin alam kung gaano katagal ang delivery. Dapat masarap ang huli mong kakainin. Or if you already gave birth, ano'ng huli mong kinain bago ka nanganak?

Ano'ng huli mong kakainin bago ka manganak?
130 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

nako mga momsh advice ko lang po kumain po kayo ng normal bago manganak.. ako kasi non konti lang kinain ko.. tinapay lang. induced labor po ako. pagpunta namin hospital diretso admit na ko. bawal na kumain. grabe gutom na gutom na ko.. imagine mahigit 24hrs ako iniinduced para sana normal si baby. hindi humihilab kaya CS ang bagsak ko. after that di pa dn pwede kumain.. super gutom na ko talaga non. naaawa na si hubby sakin.. tapos lugaw pa ang first na pwd kainin.. kea sabi ko kay hubby next time kain muna tayo masarap bago ako manganak ha? 😅

Magbasa pa
2y ago

yung gutom na gutom ka na.. tapos need mo pa maglakad lakad at magsquat para bumaba na si baby at hindi maCS.. ayun, CS pa din ako.. feeling ko nagprotesta yung anak ko.. dahil gutom na kami.. 😅😅😅 buti nalang after ko manganak nakapoop agad ako.. pinilit ko talaga alang alang sa food.. tapos pagdating lugaw lang.. isip ko eto lang? e sa gutom ko kaya ko mag eat all you can ng 4hrs.. 🤣🤣🤣#gutomisreal