GUSTO KO LANG PO MAGRANT

Naiinis ako sa pamilya ng asawa ko lalo na yung magulang nya, mabait naman sila kaso abusado. Yung lahat lahat na lang ipapashoulder sa asawa ko,ito namang asawa ko,oo lang ng oo,eh mas priority pa ng asawa ko yung mga magulang nya,ayaw bumukod ksi daw nag iisang lalaki sya. Pero nakakainis,lalo na ngayon buntis ako, etong biyenan kong lalaki,utos ng utos sa mister ko,eh kailangan magtrabaho ng mister ko para may pambili kami ng gamot ko at pagkain, dahil sa kakautos nya, nakikikain tuloy ako sa pamilya ko,buti na lang mabait yung kuya ko at binibilhan ako ng pagkain,tapos yung gamot ko,hindi nya mabili dahil sa pagtulong sa tatay,hindi naman sa pinagdadamot ko yung anak nila pero sana man lang maisip nila na magkakapamilya na yung anak nila na dapat nyang buhayin.tapos itong byenan kong babae, nagrereklamo na lagi daw akong gutom,natural,buntis ako..kaya nawawalan ako ng ganang kumain dito...kung hindi lang dahil sa anak ko,hindi ako.magtitiis dito

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ahahaha! Same tayo! Apir! Yung tipong akala mo siya lang anak nila na pwedeng kunan ng pera. Imbles na mapunta sayo ng anak mo inuuna niya pamilya niya. Kasi feel na feel na yung "pasanin ang buong daigdig" na drama. Ahahaha! Anyway, sabi ko na lang sa partner ko na wag niyang hintayin na may masabi side ko sa kaniya, kasi mabait kami, pero iba kami magalit. 💪 Ayun naman. Mejo nagbabago naman na. Kahit pakonti-konti. Buti na lang may sarili akong pera. Kung hindi nganga ako ngayon...

Magbasa pa
6y ago

Same po. Sarili ko din pera ang binabayad ko sa check up ko.sa pag bili ng gamit ng gamit ni baby. Buti may cc din ako kapag kapos sa cash. Yunh ambag ng Lip ko sundin nalamg utosnko galit pa. Tapos kapag may pagkain ako na binibili sinasabi ang mahal daw kahit hnd ko naman skla hinihingan ng pera. 🤣