Di kami magkasundo sa Budget

Naiinis ako sa asawa ko. This month natanggap ng asawa ko yung 13th month pay nila while ako naman po natanggap ko na din ung mga benefits ko sa trabaho. So ito na nga po ang hawak naming pera ngayon ay almost 50k. Gusto niya po ipagawa yung bahay nila at yung bahay namin ngayon, na estimated 20k ang magagastos sa dalawang bahay. Sabi ko sa kanya, tska na namin ipagawa pagkatapos ko manganak (this June po kabuwanan ko) kasi di naman namin masasabi kung magkano magagastos namin sa ospital kahit sabihin plano ko manganak sa public hospital. Ang katwiran niya po, ngayon na daw namin ipaayos dahil mag tatag-ulan na sa June at may inaasahan naman po akong matatanggap sa SSS. Ilang beses po namin pinagtalunan hanggang sumang-ayon nalang siya sa akin. Ngayon naman po, gusto niya magpakabit kami ng cable, 500 a month lang naman daw po. Sabi ko wag muna kasi sayang yung 500, kapag lumabas na si Baby, pandagdag na rin yun sa pambili ng gatas, diaper o sabon niya. Sabi niya sa akin nagiging accountant "NA NAMAN" ako. Nasaktan po ako ng konti doon. Tingin niya yata sa akin puro nalang pera. Gusto ko lang naman unahin ung baby namin kaya binabudget ko yung pera namin. Sa huli ako naman ang nasusunod, pero naiinis pa din ako sa kanya kasi di niya iniisip yung future.

36 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Please wag natin pagkaitan ang ating mga husband sa mga wants nila... provider din po sila sa family... kung hindi kayo magkasundo, ipakita mo sa kanya ang monthly budget nyo... list down all the fixed expenses, example: (15 day period na budget) Savings- 3000 Baby- 2000 Electricity- 2000 Water- 250 Grocery- 3000 etc etc etc -------- i-total nyo ang lahat na fixed expenses nyo... minus sa pinaka least na fixed income nyo para makita nyo pareho kung may extra money pa kayo on a monthly basis or 15 days... Pakita mo sa kanya... :) so kung may extra naman kayong 500, why not? kung kukulangin, at least alam nya ang status ng budgeting nyo para kunv gusto nya talaga ng cable or ano pa jan, maghanap sya dapat ng way para magka extra income para pang puno. Share ko nalang din yung sa'min ng husband ko, mula nung open ako sa kanya ano na status ng budget namin, kung may bibilhin sya, pinapa check nya na sa akin kung pasok ba sa budget o hindi.. kung hindi, naghahanap sya ng way maka save ng money nya or naghihintay ng mga bonus or incentive sa work... one time din, kakabukod lang kasi namin... wala pa kaming ref... gusto ko bumili kami... pero hindi pasok sa budget... kaya si husband nag give up sa allowance nya pang puno sa monthly namin sa ref and sinet na nya na ang 13month pay nya is pang fully pay na nang ref... :) Less arguments kung open kayo sa budgeting... and dapat alam nya why ayaw mo pumayag... you have to show them figures talaga...

Magbasa pa