Di kami magkasundo sa Budget

Naiinis ako sa asawa ko. This month natanggap ng asawa ko yung 13th month pay nila while ako naman po natanggap ko na din ung mga benefits ko sa trabaho. So ito na nga po ang hawak naming pera ngayon ay almost 50k. Gusto niya po ipagawa yung bahay nila at yung bahay namin ngayon, na estimated 20k ang magagastos sa dalawang bahay. Sabi ko sa kanya, tska na namin ipagawa pagkatapos ko manganak (this June po kabuwanan ko) kasi di naman namin masasabi kung magkano magagastos namin sa ospital kahit sabihin plano ko manganak sa public hospital. Ang katwiran niya po, ngayon na daw namin ipaayos dahil mag tatag-ulan na sa June at may inaasahan naman po akong matatanggap sa SSS. Ilang beses po namin pinagtalunan hanggang sumang-ayon nalang siya sa akin. Ngayon naman po, gusto niya magpakabit kami ng cable, 500 a month lang naman daw po. Sabi ko wag muna kasi sayang yung 500, kapag lumabas na si Baby, pandagdag na rin yun sa pambili ng gatas, diaper o sabon niya. Sabi niya sa akin nagiging accountant "NA NAMAN" ako. Nasaktan po ako ng konti doon. Tingin niya yata sa akin puro nalang pera. Gusto ko lang naman unahin ung baby namin kaya binabudget ko yung pera namin. Sa huli ako naman ang nasusunod, pero naiinis pa din ako sa kanya kasi di niya iniisip yung future.

36 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi Momsh, okay na yung 500 for the cable in a long run maienjoy nyo din pareho yannas libangan or bonding na din. I appreciate yung pagiginh advanced mo mag isip sa paglalaan ng pera kasi ganyan din ako. Very strict ako when it comes to budgeting hinahanap ko lahat kung san napupunta ang bawat centimos. (You can say na sadyang KURIPOT po talaga ako) ๐Ÿ˜… Pero momsh please wag na wag nyo pag aawayan ang pera kasi jan magsisimula ang mga samaan nyo ng loob. Give and take lang po kayo dapat. Make sure na wala sainyong dalawa ang nakakaramdam na wala siyang SAY pagdating sa pera. Remember po companion niyo ang isa't isa pareho kayo may karapatan kung ano man ang meron kayo. Dapat lagi kayo may mutual agreement padating sa mga gastusin. Kung pumayag na siya na ipagpaliban ang bahay which is sabi mo 20k maybe di naman masyado malaki yung 500/mo po. That will make your husband feel na may halaga sayo yung mararamdaman nya. Unless otherwise gusto mo dumating yung time na magtatago na nag pera sayo asawa mo mas stressful yun. Isa pa po suggest ko lang po ha? Kung magpapagawa kayo ng bahay wag nyo po pagsabayin yung sa kanila at sainyo kasi malaking gastos po ang magpapaayos ng bahay yan 20k ninyo pwede yan kulangin at mas masyado kayo mahirapan. Pag usapan nyo po ng maayos kasi at the end of the day kayo ang mahihirapan kung ineffective ang budgeting ninyo. Remember, don't fight/argue about money yan ang makakasira sainyo. God bless Momsh! ๐Ÿ˜ƒ

Magbasa pa