Di kami magkasundo sa Budget

Naiinis ako sa asawa ko. This month natanggap ng asawa ko yung 13th month pay nila while ako naman po natanggap ko na din ung mga benefits ko sa trabaho. So ito na nga po ang hawak naming pera ngayon ay almost 50k. Gusto niya po ipagawa yung bahay nila at yung bahay namin ngayon, na estimated 20k ang magagastos sa dalawang bahay. Sabi ko sa kanya, tska na namin ipagawa pagkatapos ko manganak (this June po kabuwanan ko) kasi di naman namin masasabi kung magkano magagastos namin sa ospital kahit sabihin plano ko manganak sa public hospital. Ang katwiran niya po, ngayon na daw namin ipaayos dahil mag tatag-ulan na sa June at may inaasahan naman po akong matatanggap sa SSS. Ilang beses po namin pinagtalunan hanggang sumang-ayon nalang siya sa akin. Ngayon naman po, gusto niya magpakabit kami ng cable, 500 a month lang naman daw po. Sabi ko wag muna kasi sayang yung 500, kapag lumabas na si Baby, pandagdag na rin yun sa pambili ng gatas, diaper o sabon niya. Sabi niya sa akin nagiging accountant "NA NAMAN" ako. Nasaktan po ako ng konti doon. Tingin niya yata sa akin puro nalang pera. Gusto ko lang naman unahin ung baby namin kaya binabudget ko yung pera namin. Sa huli ako naman ang nasusunod, pero naiinis pa din ako sa kanya kasi di niya iniisip yung future.

36 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kahit ako maiinis ako sayo na hnd mo mapagbigyan ung 500 pesos for cable. Wag ka magtataka sa susunod pagtataguan ka ng pera nyan. Saka dpt pinaguusapan nyo ung OWN MONEY. Hindi lahat ng pera eh sa misis lang!

6y ago

Kung ako din tatanungin, saka na yung cable. Priorities na dapat kasi may paparating na baby, mas magastos yun. Uumahin pa ba yan kesa sa baby? Pano kung may emergency? Oo maliit lang 500 kung tutuusin pero kasi, monthly nyo na yang babayarin eh. Kasama na yan sa budget mo. Kung budgeted lang pera nyo sa loob ng isang buwan, ipunin nalang para sa needs ni baby. Di naman ikakakamatay ng hubby mo kung walang cable eh.

Sa tingin ko ok lang na magpagawa na ng House kesa nga nmn abutin pa ng tag ulan. At baka gusto nya maayos ang kapag na si baby. Ung sa cable nmn, ok Lang din nmn basta may matitira pa nmn sa budget nyo

Sorry momshie pero buo na talaga desiyon ko, papagawa namin ung bahay after ko manganak. Then magpapakabit kami ng cable next year. Kasi may binabayaran pa kmi sa home credit, phone niya.

VIP Member

Ahahaha. Wag mong pagbigyan si hubby momsh, tama ka in every angle.. Ganyan lahat ng lalake. Cable. Para manuod ng sports taz hahayaan nila ang babae ang gumalaw sa bahay.. LOL.🤣

Magbasa pa

For me sis dapat pinagbigyan muna din doon sa 500 na cable kc deserve nmn niya yun kc pera nmn niya yan ...kahit kunti na libangan lamang ng asawa mu ... pinagbigyan muna dapat ...

Give and take po sa pagiging mag asawa. Hindi pwede na isa sa inyo ang laging masusunod. Meet halfway and compromise. Ang hirap kaya na pera ang cause ng pagtatalo.

Ate, 500 lang yan a month. Mas importante pa ba yun kesa alam mong masama loob niya sayo? I-let go mo na 😂 Ang maliit na away, na iipon at lumalaki ✌️

Ok na sana ung 500 pesos para sa cable libangan at kurot lang un sa budget since pumayag naman sya na wag muna ipaayos bahay nila give and take lang mamsh

Okay naman ung katuwiran mo. Ganyan din sakin pero sa huli ako parin nasusunod. Pero dapat pinapakingan mo ung side nya para d kayo mag away😊

Ano ba naman yung 500 na hinihingi nya sayo every month for the cable? Pinagbigyan ka nya sa gusto mo, pagbigyan mo din sya sa gusto nya.