TVS Ultrasound

Nagpa TVS ako last May 29 kasi positive ako sa urine at serum PT.. Pagkasilip sa TVS, wala pang makita, ni gestational sac wala pa pero 1 cm ang thickness ng endometrial stripe. Di pa ako nakapuntang OB kasi malayo2x din ang OB clinic dito saamin. May nakatry ba dito na after a week, nagpa TVS ulit? Gusto ko lang din makita kung may progress ba ang embryo...april 18 ang LMP ko, as per app nasa 6weeks na today.

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

too early pa super liit pa ni baby. Same tayo excited din ako makita si baby, nagpa tvs ako 4 weeks pero pinababalik ako sa 8 to 9 weeks dun may makikita na heartbeat sa ika 9 weeks kana pumunta para sure. wag kalimutan uminom ng obimin plus, FOLIC pinakaimportante morning ,iron before lunch para di anemic, caltrate before matulog(calcium natin) yun kase binigay sakin ni OB. ngayon nasa ika 23 weeks (6months na ako) , healthy naman si baby nung nagpa CAS nako

Magbasa pa
1y ago

Salamat, maamshie. yes po, currently taking Obimin Plus, kompleto kasi mga vitamins and minerals sa obimin plus may iron at folic na din dyan. mas makakarelax din ngayon kasi bakasyon na.