Base ito sa pagkakaintindi ko sa question mo. Hindi niya intention ang magalit ka. Yung nasa isip niya yung gusto niya ma-achieve at that moment. Wala pa silang common sense, hindi niya gets na hindi lahat ng gusto nila makukuha nila agad-agad. So basically kailangan niyo lang po siya pagtsagaan turuan na maghintay. Hindi po dapat siya ang pakalmahin mo, sarili mo dapat ang kalmahin mo. Pag aralan mo kung paano pakalmahin sarili mo. Para kahit overwhelmed ka na hindi ka maglash out sa anak mo. Tsaka base on experience kapag may iba akong ginagawa or iniisip tapos biglang may gusto yung anak ko doon ako naiirita, baka ganon din po kayo? So kung ano man po yung ginagawa or iniisip niyo subukan niyo po muna pagpaliban at pag tuunan muna ng pansin yung bata, kung magagawa yung gusto ni anak - gawin, kung hindi - ipaintindi na mamaya na at bigyan siya ng ibang gagawin, para may iba siyang focus. Sana makatulong 🤷🏻♀️
nasa stage po talaga ng kakulitan ang mga batang nasa age po na ganyan mommy. kung napagsasabihan naman po at may takot po sainyo ang anak nyo try nyo po ang face the wall instead po na paluin 🙂
ipaintindi niyo lang po sa kanya na di tama ang ginagawa niya na kapag di nasunod ay magtatantrums na po siya at dapat ikaw po ang sinusunod niya at hindi po ang gusto nya. mahirap po kasi kapag nakalakihan at nakasanayan na niya ang ganyang behavior baka hanggang paglaki po ay madala niya pero bata pa naman siya pede pa po maiba ang ugali depende na lang po kung pano siya idisiplina. 😁
Anonymous