discharge
na exp nyo din ba ung brown discharge? hanggang kelan dapat sya mag last? thank you
Na experience ko yan last year sa pinagbuntis ko. Pero wala na baby ko. Kasi 1week ako dinugo nun. Pero diko alam na buntis pala ako that time. Akala ko menstration ko lang pero konti konti lang lumalabas. Pero nakakaramdam ako ng sakit ng puson at pagsusuka at sakit ng ulo at hilo. The day before ako nagpacheckup kinagabihan nun. Parang naglelabor ako sa sobrang sakit ng tiyan ko pati balakang ko at halos diko na maihakbang ang paa ko. Nung pagpunta ko sa CR pag upo ko sa bowl may sumamang buong dugo sa pag ihi ko. Kasabay nun nawala yung sakit na nararamdaman ko. Nakunan na pala ako. Kinabukasan nagpacheckup ako. Buntis nga ako at wala na yung baby ko kasi nag paultrasound ako. At nakita dun ectopic pregnancy pa ako. Nung araw na yun inoperahan ako at may pumutok na daw na something sa loob ng tiyan ko at kapag di pa daw naagapan yun baka malason katawan ko at mategi ako. Ayun po nangyare. Share ko lang po. Thankyou!
Magbasa pa