Paggising sa Umaga

Momshoes ask ko lng, masama na ba sa buntis ang gumising ng 7am? Naiinis kasi ako sa mom ko, pag nasa bahay ako ginigising na nya ako ng 6am, eh sabi naman ng biyanan ko ayos lng daw yung 7am ang gising. Sobrang hirap kasi talaga matulog pag gabi eh, minsan 2am na ako nakakatulog. Kaya ang resulta sobrang antok ko during the day, tapos ayaw nila ako pahigain kahit man lng nakasandal lng. Sobrang nasasakal ako dito. Haaysss.. Salamat po

37 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Ganyan din ako, sis. Pinapagalitan ako dati kasi tanghali na daw ako bumangon eh lalaki daw ako at mahihirapan manganak. Ang husband ko ang nasstress kasi gusto nya magrest lang ako. So ang ginawa ko one time, niyaya ko ng date mama ko, pero ang ginawa namin ni hubby sinama muna namin sa check up ko. Ayun narinig nya lahat ng gusto ko marinig nya haha. Hinayaan ko din syang magtanong all she wants, at ayun sinagot naman ni doc hahah. Ngayon, oks na oks na ko haha.

Magbasa pa